Archive for the ‘Maikling Kuwento’ Category

“Masiyado kang mailap, Maria.”

BABALA: ANG MGA SUSUNOD AY HINDI ANGKOP SA MGA BATA AT MATATANDANG HINDI SANAY SA PORN! FIRST TIME KONG SUSUBUKAN ANG GENRE NG EROTIKA. ANG MGA MABABASA AY PAWANG GINAWA LAMANG PARA SA SINING NG PAGSUSULAT AT HUWAG SANANG IUGNAY SA IBANG USAPAN O PAKSA. KUNG MASIYADONG MASELAN PARA INYONG PAG-IISIP AT EMOSYON, MAARI NA LAMANG PONG MAG-SCROLL DOWN PARA SA IBANG KALOKOHAN NG PAHINANG ITO, O BUMALIK NA LAMANG SA PAGTI-TWEET NG MGA SERYOSONG BAGAY TUNGKOL SA INYONG BUHAY. MARAMING SALAMAT PO!

Nanggigigil si Flavio. Muli niyang dinuraan sa mukha ang nakataling diyosa. Hubo’t hubad sa puno ng kawayan. Nakabuyangyang ang matatayog na susong kinakapitan ng kulay rosas na mga utong. Pilit na tinatakpan ang perlas sa gitna ng mga hita. Bulgar. Saksi ang langit kahit lumililim ang kagubatan. Kita ang buong kaluluwa. 

Matagal hinintay ni Flavio ang sandaling ito. Ang makapaghiganti. Ang maipatikim ang naipong poot sa isang nilalang na tumapos sa masasayang ala-ala ng nasira niyang asawa. Isa itong araw ng pagbubunyi. At gagawin niya itong masalimuot para kay Makiling.

“Alam mo, matagal kitang hinanap,” maluha-luhang sabi ni Flavio. Halata ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Subalit kita rin ang ngiti – ngiti na makikita lamang sa isang batang inagawan ng kendi, na tumigil lamang sa pag-ngawa nang binilhan ng sorbetes. “Matagal, Maria. Matagal.”

“Hindi ko sinasadya, maniwala ka,” pagtangis ni Maria. “Nadamay lamang ang iyong asawa sa galit ko sa inyong nayon.”

“Manahimik ka!”

“Walang magagawa ang pananahimik ko!”

Bumagsak ang likod ng palad sa pisngi ni Maria. Nagmistulang kidlat na umugong sa katahimikan ng kabundukan. “Hindi kita tinugis upang marinig ang lahat ng kasinungalingan mo. Ginawa ko ito upang iparanas sa’yo ang sakit na ipinaranas mo nang tinanggalan mo ako ng buhay!”

“Ipinaranas?” tugon ni Maria, daing ang sakit ng natamong sampal. “Sige paano, Flavio? Paano mo ipararanas sa akin ang mawalan, gayong matagal nang wala ang lahat sa akin?

“Minahal ko ang bayan ninyo, at ang buong Sto. Sepulcro. Binigyan ng prutas at trigo. Ginawang ginto ang bawat butil ng bigas. Pero ano? Anong ginawa n’yo? Pinagnakawan n’yo pa rin ako. Ginawan ng masama sa kabila ng lahat ng pagmamalasakit.”

Sinakal ni Flavio ang mga pisngi ni Makiling. “Ginto? Maria, ginto?

“Hindi namin kailangan, o kinailangan kailaman ng ginto mo, dahil matagal nang mayaman ang aming bayan. Sino ba ang nagsabing kailangan ka namin? Ng tulong mo?

“Wala kami sa krisis, Maria. Hindi kami naghihirap sa kabila ng simpleng pamumuhay. Ang tangi lamang unos na naranasan namin ay ang araw na binagsak mo sa aming lugar ang walang-awa mong galit!

“Inakit mo kami sa mga luho at bagay na hindi namin hiniling sa iyo!”

“Kasinungalingan!” sigaw ni Maria. “Binulabog ninyo ang nanahimik kong mundo sa kabundukan. Huwag ninyo sasabihin kailanman na ako ang ugat ng masamang gawain na isinukli ninyo sa aking kabutihan.”

Tahimik.

Napapikit si Flavio. Tumingin sa kalangitan. Naghahanap ng mga salitang naghahanap din ng kasagutan. “Kaya ba nagpaulan ka ng kidlat at kulog? Kaya ba ibinagsak mo sa bayan ang malalaking batong matagal nahimlay sa pinakamamahal mong bundok? Kaya ba ginunaw mo ang aming nayon sa pamamagitan ng matinding lindol, at pagkatapos naming umiyak ay huhugasan mo ang mga nagputik naming luha sa pamamagitan ng malakas na ulan?”

“Oo, Flavio! Oo!”

“Ulul ka, Maria!” malakas na tugon ng panday. “Hindi iyon ang dahilan. Ginagawa mo kong bata, puta! Sabihin mo sa mga mata ko ngayon na nadamay lamang ang aking asawa!”

Lumihis ng tingin ang diyosa. Iniiwasan ang mga susunod na katotohanang alam niyang hindi na maipagpapaliban ng kahit anong dahilan.

Umulit ang pagsakal sa mga pisngi. “Maria. Isa kang hangal. Alam ko. Hindi ang asawa ko ang nadamay kundi ang bayan ng Sto. Sepulcro. Sinadya mo ang lahat. Sinadya mong patayin ang asawa ko dahil sa . . .”

“Sa’yo Flavio. Oo, sa’yo!” pag-amin ni Maria. “Pina-ibig mo ’ko. At pinaniwalang ako ang tanging babae sa buhay mo. Hindi ko nakayanan ang iyong pagtatapat nang sinabi mong matagal ka nang may-asawa. Ginamit mo ’ko. At palalabasin mo ngayon na ikaw ang biktima?

“Minahal mo rin naman ako ‘di ba?” nababaliw na tinig ng diyosa.

Nangangatal ang bibig ni Flavio. Naghahalo ang galit, ang pagsisisi, ang katotohanan na isa siya sa mga dahilan ng lahat ng kanyang pagdurusa. “Hindi kita kailanman minahal, Maria. Nagiyang lamang ako . . . natukso. Sinong mortal ang hindi mahuhumaling sa kagandahan ng isang diyosa?”

“At sinong diyosa ang hindi mahahawa sa kapusukan at kahinaan ng mga mortal?” tanong ni Maria.

Nag-igting muli ang pagsisisi. Nananatili ang pagnanasang maghiganti. Sino ba ang tama? Sino ba ang mali? “Lahat ay pantay sa digmaan at pag-ibig,” bulong ni Maria, ngunit sapat na upang umalingawngaw at magdulot ng ulyaw sa kabundukan.

“Sa tingin mo ba ay isa lamang suwerte, o panaon ang pagkakadakip ko sa ’yo?” tanong ng panday pagkatapos ng pagninilay. “Hindi ka man lang ba nagtataka kung paanong sa isang tulad mong makapangyarihan ay wala man lang tumalab sa isang hamak na mortal na katulad ko?”

Isa itong rebelasyon. Hindi nga ito maunawaan ng diyosa hanggang ngayon. Hindi tumatalab ang lahat ng mahika sa panangga ng panday. Ano nga bang mayroon sa espadang taglay na sumasalag sa kamatayan? O hindi niya lang talaga sinasadyang tuluyan si Flavio?

“Hindi ito isang pagkakataon lamang, Maria,” pagpapatuloy ng panday. “Ito ang iyong kapalaran. Isinumpa ka ng langit, Maria. Noong araw na nagpaulan ka ng naglalakihang bato mula sa misterioso mong kabundukan ay doon ko nahanap ang isang makapangyarihang metal na buong-lakas na hinulma ng aking mga kamay upang maging isang espada. Espada na galing at kayang pumantay sa iyong kapangyarihan.”

Naliwanagan ang diyosa. Naalala ang mga batong sumira sa Sto. Sepulcro mula sa kanyang kapangyarihan.

Binunot ng panday ang punyal na ilang saglit pa ay humaba at naging mahiwagang espada, at pagmamalaking ipinakitang muli ang kapangyarihan nito sa bantay ng kabundukan.

Sumunod ay mabilis na hinablot ni Flavio ang makintab at mahabang buhok ng nagpupumiglas na diyosa, at gamit ang espada ay walang alinlangan niya itong pinutol at ikinalat sa lupa. Isa itong malaking pag-aalipusta sa isang tinagurian na diyosa.

Nagwagi ang panday. Natalo ang bantay. Ngunit nagsisimula pa lamang ang paghihiganti. Ang pambababoy sa mga nakakataas na nilalang. Ang pagbaliktad ng tatsulok.

Itinarak sa lupa ang espada. Inilabas ni Flavio ang isa pang sandatang nakatago sa kanyang salawal. Sandatang hindi man makasusugat sa katawan ni Makiling, ay siguradong tatagos naman sa damdamin at buong katauhan. Mabilis ang mga sumunod na eksena:

“Anong gina—” Hindi na nailabas ni Makiling ang mga susunod pa sanang salita, nang ipinasok ni Flavio ang matigas niyang ari sa bunganga nito.

Walang awa. Labas-pasok ang kabuuan ng titi ni Flavio sa bibig ni Maria. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto? Ang dahilan ng lahat? Hayaan mong ihandog ko ito sa ’yo, diyosang puta,” sabi niya sa sarkastikong punto.

Walang magawa si Makiling kundi isubo ang lahat ng laman na umaabot sa kanyang lalamunan at nagpapaduwal sa kanya. Wala siyang magawa kundi tikman lahat ang kahabaan, ang kaunting likido na unti-unti nang lumalabas — ang poot.

Sa wakas, at hinatak na ni Flavio ang nangangalit na titi, na ngayon ay nababad na sa laway. Nagtangkang magsalita ni Makiling ngunit agad siyang nakatikim ng sampal. Dinuraan ng panday ang mga suso ng bantay at biglaang sinipsip ang mga nakatayong tetilya. Napaungol ang diyosa, at unti-unti, naiibsan ang kanyang pagdurusa —  napapalitan ng libog na unti-unti na rin nagbibigay ng kakaibang ligaya at kaginhawaan. Hindi man maamin, matagal siyang nangulila sa mainit na pakiramdam na kay Flavio niya lamang naranasan . . . matagal nang panahon ang nakalilipas.

Patuloy ang pagsipsip at paglamas sa suso. Parang uhaw na aso sa gatas ng isang inahin. Nagsasalitan ang mga dila sa mga malarosas na utong. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Hindi mawari sa mukha ng panday kung ito ba ay naliligayahan sa mga ginagawa. Wala kasing alinlangan na makikita. Walang agam-agam.

“Tumigil ka na Fla . . . uhh . . . vio,” pakiusap ni Maria, ngunit hindi ng kanyang damdamin.

Tumigil si Flavio. “Pati dito ba naman ay makaririnig pa rin ako ng kasinungalingan?”

Itinaas niya ang isang binti ng nakatali na diyosa, at itinutok ang nangangalit na ari sa lagusan ng puke nito. Ikiniskis muna niya ang titi sa nakalitaw na klitoris, at biglaang ipinasok ang kahabaan nito sa loob ng laman.

Napaungol si Maria. Napaluha sa laki ng kanyang tinanggap. Sa likod ng kanyang isipan ay sarap na matagal hinanap ng kanyang katawan – ng kanyang katauhan. Wala na ring alinlangan. Hindi na tinatanong ang sarili. Ang paghihiganting nagaganap ay unti-unti na niyang ninanais. Matagal niya itong pinanabikan. Nalimutan niya ang lahat ng nangyaring pananakit. Nalimutan niya ang lahat ng pang-iinsulto sa kanyang katauhan. Nalimutan niya ang lahat-lahat. Tanging ang sarap lamang ang namumukod-tangi ngayon sa damdamin. Isa siya ngayong diyosang pinutulan ng buhok at ginawang puta ng isang lalaking buong-puso niyang minahal noon . . . hanggang ngayon.

Nag-umpisa nang bumayo si Flavio. May nag-iisang kawayan na yumuyugyog sa gitna ng kabundukan. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto?” paulit-ulit niyang tanong. Paulit-ulit din ang pananakal.

Sa bawat bayo ay katumbas ng isang ungol. Sa bawat pagsagad ay pag-iyak ng halinghing. Nararamdaman na ni Flavio ang namumuong init na nais kumawala sa kanyang mga itlog. Nakatingin siya sa mga mata ng diyosa – puno ng galit, init, at libog. Hinugot niya ang ari bago pa siya labasan. Kulang pa ang pambababoy na ito, naisip niya.

Hingal si Maria. Uhaw at bitin. Nananabik sa mga susunod na paghihiganti.

Binunot ng panday ang mahiwagang espada na nakaturok sa lupa, at mabilis na pinutol ang mga lubid na nakatali kay Makiling. Nakawala ang diyosa. Ramdam ang panghihina, pagod, at ngalay. Napaluhod.

Muling hinatak ni Flavio ang buhok na ngayo’y maikli na. Tinignan sandali ang mga mata, at biglang sinunggaban ng halik ang diyosa. Gigil na kinagat ang mga labi. Marahas na sinipsip ang dila.

Pagkatapos ay pinatuwad ang diyosang walang dudang nasisiyahang tunay sa pambababoy. Itinutok muli ang ari sa lagusan ng bulaklak at walang palyang ipinasok ang kahabaan nito. Muling binayo, paulit-ulit, at walang pahinga. Kagat-kagat ang labi sa bawat tinatanggap na ulos. Lumakas ang mga ungol at halinghing. Bumalik sa kanilang dalawa ang mga nagdaang ala-ala. Ang mga halikan. Ang mga siping sa ilalim ng buwan. Ang mga panunukso ng mga malalagkit na titig.

Binunot ni Flavio ang nangangalit na alaga. Itinulak sa malambot na lupa ang diyosa at iniharap sa kanya. Pinatungan at pinabukaka. Nagtagpong muli ang titi at naglalawang puke. Nagpatuloy ang pagbayo, na ngayo’y sinasabayan na ng paglamas sa mga suso, at matinding laplapan. Ari sa ari. Kamay sa tetilya. Dila sa dila.

Namuo ulit ang likidong umaakyat at bumabalot na sa kabuuan ng kanyang alaga. Alam niyang hindi na niya ito mapipigilan. Nawawala na siya sa sarili. Nakikita ang pagkabaliw sa sarap ng binababoy niyang diyosa. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“Mahal kita,” bulong ng diyosa sa tenga ng panday. Ramdam na ramdam niya ang bawat pagbayo, ang sarap at sakit na dulot ng pakikipaglaro sa apoy. Hindi na niya napigilan at inabot na niya ang rurok ng kalangitan. Napadiin ang kanyang mga kuko sa likod ni Flavio. Sunod-sunod ang orgasmo.

Naalala ni Flavio ang nasirang asawa. Sa pagkakataong ito ay ang asawa niya ang nakikita at hindi ang diyosa. Dulot ito ng matinding pangungulila. At sa isang iglap pumutok ang naipong tamod sa puki ni Makiling. Naramdaman ito ng diyosa sa loob ng kanyang laman, sinasakop ang bawat espasyo ng kanyang kabuuan, ng kanyang kaluluwa.

Naabot ang langit. Nangingisay sa sarap. Dahan-dahang nawala ang lakas. Napabagsak si Flavio sa katawan ni Makiling. Hingal at pagod. Tuyot at uhaw. Naghalo ang mga pawis at laway. Naglawa ang mga tamod. Amoy ang iba’t ibang likidong sumisingaw sa kanilang mga balat.

Binunot ng panday ang malambot na ngayong alaga. “Wala ka nang silbe, Maria,” bulong niya. Tumayo siya at binunot muli ang espada sa lupa. Itinutok sa leeg ng diyosa. “Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ka ng langit, ng iyong kabundukan, at ng mga ibon at mga kawayan.

“Pagkatapos ng araw na ito ay wala nang makakaalala sa iyo. Tatapusin ko ang iyong pag-iral, at pananatilihin ko na lamang na isang alamat ang iyong ala-ala para sa mga susunod na henerasyon.”

Buong-pusong pumikit si Maria. Wala nang takot. Tanggap na ang kanyang kapalaran at naghihintay na lamang na kunin ang kanyang buhay.

At umalingawngaw ang taginting ng espada sa kabundukan.

Dumilat si Maria at nakita ang isang punyal na nakatarak sa lupa. Tanaw niya si Flavio, naglalakad papalayo at rinig ang paghikbi, dahan-dahang naglalaho sa kadiliman dahil sa paglubog ng araw.

***

Lumipas ang mga panahon at muling nakabangon ang Sto. Sepulcro. Ngunit hindi katulad ng dati, walang kilalang diyosa sa kabundukan ang mga tao. Malaya ang mga mangangasong gumala anumang oras sa mga kagubatan. Isa na lamang alamat si Makiling. Isang istorya lamang. Kilala ngunit hindi pinaniniwalaan. Hindi nabuhay kailanman. Hindi naghasik ng poot. Hindi totoo.

Minsan ay may misteryosang babae na nagpapakita sa mga nagagawi sa kabundukan, may kasamang batang lalaki, at mailap ang mga ito sa tao.

“Malabong si Makiling ’yon,” sabi ng isang matandang mangangaso. “Walang anak si Makiling.”

Bawal na Pag-ibig

Posted: April 6, 2017 in Maikling Kuwento
Tags: ,

Tahimik ko lang pinagmamasdan ang paligid habang abala ang sinasakyan kong bus sa paghihintay na umusad kahit papa’no ang daloy ng trapiko. Inaaliw ko ang sarili sa panunood ng nagpapalitang mga ilaw ng traffic lights, at bumubuo ng mga salita sa mga letra mula sa mga plaka ng mga sasakyan. Wala akong katabi. Wala naman kasi gustong tumabi sa akin noong araw na iyon. Hindi lang pala noong araw na ’yon. Madalas, wala talaga akong katabi sa bus.

Pero hindi naman nakalulungkot ang paulit-ulit na senaryo. Sa totoo lang, gusto ko nga ’yon — dahil ang bakanteng upuan (na walang gustong umupo) ay nakareserba para sa babae na laging nagpapaikot ng nakatengga kong mundo. Si Lorraine.

“Ang cute-cute naman ng sapatos mo.”

Laging papuri ang naririnig ko sa tuwing nakasasabay ko si Lorraine sa biyahe. Kung hindi T-shirt, o sapatos, papansinin niya ang buhok kong lango sa gel, ang polo ko na wala naman sa tingin kong pinagbago, o ’di kaya ang ngiti ko na pilit kong pinipigilan. Basta lahat sa akin, kapag kasama ko siya, maganda. Wala ako narinig ni minsan na negatibo. ’Pag kasama ko siya, ako ang pinakamagandang lalaki sa mundo.

Tipid naman ang mga sagot ko sa kanya. Nahihiya kasi ako. Minsan, pabulong na “salamat” ang maririnig niya, subalit kadalasan, pagpula na lamang ng aking mga pisngi at pagsulyap ng aking mga biloy ang aking tugon. Sino ba naman kasi ang hindi mapipipi sa maamo niyang mukha, na minsa’y natatakpan ng makintab niyang buhok na halatang alaga?

“Gusto mo?”

Lagi ko siyang inaalok ng baon kong sandwich. Dalawa lagi ang dinadala ko: isa para sa akin pagdating ng meryenda; isa para kay Lorraine habang nasa biyahe kami. Paborito niya ang peanut butter sandwich. Mabuti na lang, mura ang peanut butter sa tindahan ni Aling Bering. At mabuti na lang, kasya ang dalawang sandwich sa aking maleta.

Trenta-minuto ko siya halos katabi sa bus. Halos araw-araw iyon. At halos araw-araw din kaming nagpapalitan ng istorya kapag nagkakapalagayan na ng loob. Kahit madaldal si Lorraine, mahinhin lamang siya magsalita, at nakatutuwa ang malalambing niyang tawa. Madalas, mas marami siyang kuwento sa akin: tungkol sa naging araw niya kahapon, tungkol sa gagawin niya mamaya, at tungkol sa pagkikita namin ulit sa biyahe bukas. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya: pinararamdam niya sa akin na gusto niya ako laging kasama — sa biyahe.

At oo, gusto ko siya. Baka nga mahal ko na siya, e. Kaso bawal.

“O, mga bata. Nandito na tayo. Mag-aral mabuti, ha.” sigaw ni Manong, driver ng school bus, tatay ni Lorraine.

“O, baka makalimutan mo ‘yang lunchbox mo,” paalala na naman ni Lorraine sa akin sa araw-araw, at paalala na kailangan na naming maghiwalay. “Salamat ulit sa sandwich. Aral mabuti, ha.”

Siya ang first love ko no’n.

Minahal ko siya.

Grade 1 ako no’n.

3rd year high school siya.

“Tatlo. Tatlo na lamang ang maaaring makapasok sa inyo,” bungad ni San Pedro. “Puno na kasi ang langit.”

“E sino naman po ang dapat maiwan sa aming apat?” tanong ng unang lalaki.

Humawak ang santo sa kanyang balbas at sandaling nag-isip. “Kailangan ko malaman kung paano kayo namatay, at ako na ang bahalang magpasya.”

“Wala po bang exception sa katulad ko?” tanong ng nag-iisang babae.

“Hoy! Walang special treatment dito!” reklamo ng ikalawang lalaki. “Porket babae ka?”

Sumang-ayon ang unang lalaki sa ikalawa, samantalang tahimik lamang ang ikatlong lalaki na tila nilamon ng kalugmukan at walang balak makisali sa argumento.

Napailing na lamang si San Pedro. “Kailangan na natin umpisahan bago tumilaok ang manok.” Itinuro niya ang unang lalaki upang kausapin ito ng pribado. “Ikaw. Paano ka namatay?”

“Nasa office po ako n’on,” panimula ng unang lalaki, “nang biglang may tumawag sa akin; hindi ko kilala. Ang sabe, umuwi na daw ako, dahil nakita niya raw ang asawa ko sa terrace ng condo namin na may kahalikan. Noong una, hindi ako naniwala kasi akala ko’y hindi niya iyon magagawa sa akin . . . ’gang may i-send sa akin na picture ’yung unknown caller.

“Pagkakita ko sa picture, binato ko yung cellphone ko sa trash can, at mabilis na tumakbo papunta sa basement para sumakay sa oto ko. Hindi na ako nagpaalam sa boss ko.

“Hinarurot ko ang sasakyan kahit madulas ang kalsada dahil sa matinding buhos ng ulan. Todo busina kahit wala naman traffic. Pagdating sa building, pinagmumura at pinagsisipa ko ’yung elevator, kasi sira. Pero kahit nasa 11th floor pa ’yung unit namin at kahit may sakit ako sa puso, pinilit kong umakyat gamit ang hagdanan.

“Hingal na hingal ako pagdating sa tapat ng pintuan ng unit namin. Hindi ako kumatok. Tinangka kong buksan ang pinto pero naka-lock. Bigla ko naisip na mas maganda kung susurpresahin ko sila kaya inilabas ko ang duplicate key na nasa wallet ko. Dahan-dahan, binuksan ko ang pinto.

“Naabutan ko ang aking asawa na nagsusuklay sa kama, mukang bagong ligo. Masakit na ang batok ko nang sandaling iyon dahil siguro sa high-blood. Opo, may sakit na ko sa puso, may high blood pa ko, marami akong sakit. Mura ako nang mura at sigaw nang sigaw na ilabas niya ang kabit niya, pero ayaw niya talaga umamin. Naisip ko nga n’on na sana hindi ko tinapon ang cellphone ko sa basurahan para may ebidensya.

“Hindi ako nawalan ng pag-asa. Malakas ang pakiramdam ko na hindi pa nakaaalis ang kabit niya. Tumingin ako sa aming kuwarto, pero wala. Tumingin ako sa ilalim ng kama, ng lamesa, ng sopa, pero wala. Tumingin ako sa likod ng mga kurtina, pero wala. Hanggang sa mapunta ako sa terrace . . . nakakita ako ng dalawang kamay na nakasabit sa balconahe, basang-basa sa ulan, nagpupumilit kumapit, huwag lang mahulog. Doon nagsimulang dumilim ang paningin ko.

“Agad kong kinuha ang martilyo sa storage room. Mabilis akong bumalik sa terrace, at walang habas kong pinagpupukpok ang kamay na nakasabit. Naaalala ko pa ang paghingi ng tulong ng kabit niya habang dinudurog ko ang mga daliri nito. Umiiyak lamang ang asawa ko sa gilid, siguro dahil sa takot, pero nakapagtataka na hindi niya ako pinipigilan.

“Nang bumitiw na ang kabit ng asawa ko, narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao nang bumagsak ito sa ground floor. Pero himala, nakita kong nagpupumilit siyang tumayo; hindi ko akalaing mabubuhay pa siya dahil galing pa siya sa 11th floor.

“Sa matinding galit ko, pumunta ako sa kusina, at hindi nakuntento: binuhat ko ang napakabigat na refrigerator at hinulog sa naghihingalo niyang kabit. Mas malakas ang narinig kong sigawan nang bumagsak ito sa naghihingalong katawan. Sobrang bigat ng ref namin nang araw na iyon, pero kinaya ko. Siguro dahil nga sa galit. Subalit sa kasamaang palad, pagkatapos ihulog ang ref, napaupo ako . . .  at inatake sa puso. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang ikalawang lalaki upang ito naman ang kanyang pakinggan.

Namumutla ang ikalawang lalaki nang lumapit siya sa santo. “Nasa condo po ako ng babae ko nang araw na iyon. Nasa kasarapan kami ng . . . alam niyo na ho . . . nang marinig naming may nagbubukas sa door knob. Nataranta kami dahil siguradong iyon ang asawa niya.

“Maliit lamang ang condo unit nila, kaya siguradong kahit saan ako magtago ay  makikita ako ng asawa niya. Pero dahil desperado na ako, nagtago ako sa malaki nilang refrigerator. Mabuti na lang at hindi pa sila nakapag-gogrocery kaya walang masiyadong laman ang ref nila. At medyo may kaliitan naman ako kaya ako nagkasya.

“Takot na takot ako nang sandaling iyon dahil ramdam ko ang galit ng kanyang asawa. Rinig ko ang lahat ng sigaw at mura. Hindi ko nga lang alam kung sino ’yung humihingi ng tulong, o baka guni-guni ko lamang ’yon.

“Hanggang sa ilang saglit pa, naramdaman kong parang may bumubuhat sa ref na kinalalagyan ko. Nilaglag yata ako ng kabit ko at itinuro kung nasaan ako. Nang binuksan ko ang pinto ng refrigerator, huli na. Huli kong tanda ay nasa kalagitnaan ako ng ere kasama ang malakas na ulan, at bumagsak sa color green na tiles, at unti-unting nagdilim ang mundo ko pagkatapos magsigawan ang lahat ng tao. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang ikatlong lalaki upang ito naman ang kanyang pakinggan.

“Nasa condo po ako nang araw na iyon, 12th floor,” sabe ng ikatlong lalaki na ngayon lamang nagbigkas ng salita. “Napagpasyahan kong mag-map sa terrace dahil sobrang dulas gawa ng ulan . . . nang biglang may napansin ako sa baba, sa terrace ng 11th floor, na may naghahalikan.

“Kilala ko ang mga nakatira sa unit na iyon dahil sa kanila ako nagpapaiwan ng susi tuwing pumapasok ako sa trabaho. Pero ang nakita ko lamang ay ang babae, at iba ang kahalikan nitong lalaki. Dahil nga sa kanila ako nagpapaiwan ng susi, alam ko ang contact number ng mister nito.

“Hindi ako nagdalawang-isip na makielam sa kanila dahil nakokonsensya ako. Agad kong tinawagan ang kanyang mister at ipinaalam ang misteryong nagaganap sa kanilang tahanan. Nang hindi naniwala ang mister nito sa akin, mabilis kong kinuhaan ng litrato ang mga taksil at ipinadala ito sa kanya. Hindi na ito sumagot. Mukhang hindi niya talaga paniniwalaan ang mga nasaksihan ko. Tinangka kong kumuha ulit ng isa pang litrato para makakuha ng mas maraming ebidensya, pero sa kasamaang palad, nadulas ako.

“Pero sa kabutihang palad naman, napakapit ako sa balconahe ng 11th floor. Maya-maya pa, may naririnig akong pamilyar na boses, sigaw ng sigaw, galit na galit, at mura ng mura. Nabuhayan ako ng pag-asa kasi iyon ang boses ng mister nung babaeng taksil. Sumigaw ako, ‘Tulong! Tulong’, pero imbis na tulungan niya ako, pinukpok niya ng martilyo ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung bakit. Nang hindi ko na kaya ang brutal niyang pagdurog sa aking mga daliri ay bumitiw na ako. Rinig ko ang sigawan ng tao pagbagsak ko sa color green na tiles. Rinig ko rin ang paglagatok ng mga buto sa aking beywang. Pinilit kong tumayo pero hindi ko maramdaman ang aking mga paa. At bago pa man ako makasigaw muli ng tulong, may bumagsak sa aking mabigat na bagay. Nagdilim ang aking mundo. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang kaisa-isang babae sa grupo upang pakinggan.

“Nasa condo unit po ako kasama ang kab—”

“Huwag mo nang ituloy,” pagpuputol ng santo sa kuwento ng babae. “Ikaw ang maiiwan sa inyong apat.”

 

Moral Lessons: 1) Kapag kukuha ng condo unit, huwag kukuha sa matataas na floor. Mahirap umakyat ’pag walang elevator. 2) Kapag magtataksil ka sa asawa, huwag makikipaghalikan sa terrace. Kasi 3) hindi porket nasa condominium ka, e wala nang chismosa’t chismoso. At 4) huwag masiyadong chismoso. Dapat ’yung tama lang para hindi ka nadudulas sa balconahe. Huwag bida-bida. At siyempre 5) Huwag nang magtaksil sa asawa. Nagiging sanhi ito ng Mass Murder.

 

Wait. Sa mga nagtataka kung paano namatay ’yung babae, nag-suicide siya. Maniwala ka na, please, para lang mabuo ’yung istorya. Si San Pedro kasi, e, hindi pinatapos ang bruha.

Segundo

Posted: November 6, 2016 in Maikling Kuwento
Tags: , , , ,

Isang segundo lang naman ang kailangan para idilat ang mga mata. Pero para bilangin kung ilang saglit ba ang kakainin para isipin ang lahat ng problema na naipon ngayong araw, tiyak na kulang na kulang ang isang segundo.

At dumarating talaga ang mga pagkakataon na sana’y huwag muna dumating ang segundo na iyon. Tumagal sana ang pag-ikot ng oras, at huwag muna magising sa dampi ng sinag ng araw. At kung magising — magdasal; pero hindi para sa solusyon, kundi para sa himala.

* * *

Dalawang segundo para bumangon sa kama.

Ang unang mambubulabog sa mahimbing na pagtulog ay ang sirena mula sa aking cellphone. Ang unang tanong sa umaga: dismiss o snooze? Snooze sana, kahit limang minuto lang; ang kaso, kailangan ko na mag-gayak upang pumasok sa mahal kong unibersidad, at kumuha ng espesyal na pagsusulit. Marami na kasi akong atraso sa Physics teacher namin na si Mr. Alfonso. Bukod kasi sa wala akong prelims exam, wala rin akong midterms sa kanya. Gusto ko man i-drop, hindi naman puwede. Nasa probation list kasi ako. Kapag sinabing “probation”, sa amin, limitado lamang ang units na maaari mong kuhain, wala kang karapatang magkaroon ng singko, at hindi puwede mag-drop ng mga alanganing asignatura, dahil kapag minalas, matik — kick out ka. Sa madaling salita, do or die ang araw na ito.

Aminado naman ako, kasalanan ko kung bakit ako naghahabol ngayon. Madalas ang pagliban ko sa klase ni Mr. Alfonso. Pagkatapos kasi ng aking part-time job sa isang sikat na fast food chain, hindi na kinakaya ng aking katawan ang matinding pagod, at natataon lagi ang pagod na iyon sa araw ng kanyang pagtuturo. Alam ko na hindi dahilan ang pagod para hindi ko siya pasukan. Pinili ko ang magtrabaho habang nag-aaral kaya’t kailangan ko saluhin ang lahat ng antok at pagkalupaypay bilang mag-aaral.

Pero sino ba naman ang hindi tatamarin sa isang kupal na propesor?

Kung pakupalan lang naman ang pag-uusapan, si Mr. Alfonso na yata ang namumukod-tangi sa lahat ng kupal na guro sa buong kalawakan. Sa unang tingin, e ’kala mo ay isang lalaking walang kabahid-bahid ng kasamaan sa katawan. Maputi si Sir, may katangkaran, at singkit ang mga mata. Ipagpalagay na nasa kwarenta lamang ang kanyang edad, kahit sinasakop na ng mga uban ang kanyang makintab na buhok na babad sa pamada. Payat pero malaki ang tiyan — halatang manginginom. Siguradong lapitin ng chicks noong kabataan . . . kung hindi niya lang ipaaamoy ang masangsang niyang ugali.

Tatlong segundo lang ang kinailangan ko para ibulong sa sarili na ayaw ko kay Mr. Alfonso. Korni siya mag-joke; mga sipsip lang ang tumatawa. Kapag nagkukuwento siya ng hindi naman related sa lesson, bukambibig niya ay “Believe me, naranasan ko na ’yan.” Dapat siya palagi ang bida sa istorya. Bukod sa presko niyang pag-asta, wala pa siyang konsiderasyon sa kanyang mga estudyante, mapalalaki man o babae. Isang minutong late, hindi ka na maaaring pumasok sa kanyang klase (kaya dapat pareho ang oras ng cellphone mo sa oras ng kanyang relo). Lahat ng quizzes, dapat umabot sa kalahati ang score, dahil kung bitin, hindi niya ire-record: gagawin niyang confetti o di kaya ay pamunas ng blackboard. Napaka-resourceful. Ang pinakaayaw ko pa sa parte ng kanyang leksyon ay ang pagtatanong niya ng “Any question, guys?” tuwing end of discussion. Ano naman ang isasagot namin, e ang blackboard lang naman ang nakaririnig ng husky niyang boses. Mas nagiging kainis-inis ang lahat ng iyon kapag sumasabay ang sarkastiko niyang ngiti, at ang mga tingin niyang akala mo e laging nanghuhusga mula ulo hanggang paa.

Subalit ang hindi ko talaga malilimutan sa lahat ng kakupalan niya ay ang isinagot niya sa akin noong araw na personal akong lumapit upang magpaalam na matatagalan ang pagliban ko sa kanyang klase, sa kadahilanang pumanaw ang aking ama: “Hindi valid reason ’yan, boy. Ang dami mong absent sa ’kin, paalala ko lang. Noong namatay ang nanay ko, kinabukasan, pumasok ako agad sa trabaho. Kaya pasensiyahan na lang tayo.” Pakyu Sir, sa isip-isip ko nang sandaling iyon. Naubos na ang kakaunting respeto ko na natitira para sa kanya. Hindi ako bayolente, pero noong segundong iyon, gusto ko siyang sapakin, sipain, sikuhin, isako, kung hindi ko lang naalala ang nanay ko. Hindi ako magpapatanggal sa unibersidad nang maaga para lang sa isang kupal na katulad niya. Hindi ako pumasok sa kabila ng kanyang pagbabanta. Mas pipiliin kong malaglag dahil sa pagluluksa sa kamatayan ng aking ama, kaysa manlimos sa isang kupal ng kaunting pag-unawa.

Halos dalawang linggo na nang mamatay si Papsi dahil sa sakit na diabetes. Matigas kasi ang ulo. Binaliwala ang nararamdaman at nagpatuloy pa rin sa pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa asukal. “Minsan lang naman, e,” bukambibig niya tuwing may okasyon. Ayun, nadali pagkatapos mismo ng kaarawan niya. Lahat ng ipinagbabawal ay pinilit tikman. Hindi niya naunawaan na ang tanging matamis na maaari niya lamang ikonsumo ay ang pagmamahal ni Mamsi.

Hindi ako iiyak, sabi ko noong araw na ’yon. Subalit nang makita ang malamig niyang bangkay, at napagtantong hindi ko na muling maririnig ang malalim niyang tinig, nangilid ang luha sa aking mga mata. At ang mga pigil na hikbi ay dahan-dahang naging mahinang mga ungol . . . hanggang sa nakabibinging hagulgol.

Ang hirap pala mamamatayan, ano? Iyon na yata ang pinakamasaklap na araw sa loob ng dalawang dekada na pag-iral ko sa mundo. Tuwing ako’y tumatangis, tanging mga hagod na lamang ni Mamsi sa aking likod ang nagpapalakas ng aking loob, at bahagyang pumapawi sa bigat ng aking pasanin. Isang beses ko lamang nakita ang aking nanay na lumuha sa harapan ng kabaong ni Papsi, pero hindi mabilang sa daliri ang mga segundo na naririnig ko siyang umiiyak mag-isa sa loob ng kanyang kuwarto. Nagpapakatatag siya para sa akin. Nagpapanggap siyang malakas, kahit sa loob-loob niya’y unti-unti na siyang gumuguho.

Nailibing na si Papsi kahapon. At heto ako ngayon, mukhang malilibing naman sa gitna ng EDSA, ang pinakamalaking parking lot sa Maynila. Nagtatalo na naman ang busina ng mga sasakyan at ang boses ng mga barker na nakakalat sa bawat kanto ng pedestrian lane. Nakasimangot na naman ang mga martir na suki ng LRT dahil sa mahabang linya na daig pa ang pila ng bigas tuwing state of calamity. Isa’t kalahating oras lamang ang kadalasang biyahe ko mula sa bahay hanggang sa unibersidad, pero kapag ganitong araw ng Biyernes, lalo na kapag sumama pa ang matinding buhos ng ulan, mas mainam na panoorin mo muna ang sequels ng Harry Potter para hindi ka mabagot sa mabigat na trapiko at magkaroon ng katuturan ang pagkangalay ng iyong likod sa upuan ng bus. Halos dalawang oras na akong stranded. Kahit ano talagang pagsisikap ang gawin mo, sa mga ganitong sitwasyon, itinitigil talaga ng trapiko ang lahat ng pag-asenso. Tama sana ang aking desisyon na lumiban muna sa trabaho kahit hindi ako pinayagan ng aking bisor. Hindi ko nga alam kung may trabaho pa ba akong babalikan. Basta ang alam ko, hindi ako puwedeng ma-late ngayon sa special exam na magdidikta ng kapalaran ng aking pag-aaral. Paano ako nagkaroon ng special exam kung sinuway ko si Alfonso? Dahil iyon kay Mica.

Si Mica, kaklase ko, ang paboritong estudyante ni Mr. Alfonso . . .  at kasintahan ko sa loob ng mahigit dalawang taon. Hindi na ngayon. Isang linggo ng lamay ni Papsi, umiiyak siya sa aking mga bisig, hindi dahil sa nakaratay kong ama, kundi dahil sa pakikipaghiwalay ko sa kanya. Ang dalawang taon na pagsasama, tinapos ko lamang sa loob ng dalawang segundo, tinapos ko lamang sa pagbigkas ng dalawang salita — ayoko na. Humingi siya ng dahilan kung bakit, ngunit wala ako naibigay maliban sa “Basta. Ayoko na.”

Pero ayaw ko na ba talaga? O nadala lang ako ng sunud-sunod na unos at problema? Lutang na lutang ako noong araw na iyon, ewan ko ba. Bukod sa pagkawala ng mahal ko sa buhay, at namimiligro kong pag-aaral, hindi ko pa alam kung saan kami kukuha ni Mamsi ng pambayad sa burol. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay . . . pati sa kanya . . . pansamantala. Naisip kong napababayaan ko na siya, at wala na akong maibigay kundi pulos pasakit at problema. Minabuti kong hiwalayan siya, at napagtanto ko ngayon na iyon ang pinakamaling desisyon ko sa buhay. Bakit kung kailan kailangan na kailangan ko ng kalinga at suporta, ng pagmamahal, tsaka ko siya binitiwan . . . hiniwalayan. Mali. Maling-mali. Tanga. Tangang-tanga. Lalo ko lang pinatunayan sa kanya, at sa sarili ko na hindi ako karapat-dapat sa isang tulad n’ya. Pero kailan nga ba ako naging karapat-dapat sa kanya? Sa kanyang kalinga? Sa kanyang suporta? Sa kanyang pagmamahal? Sa kanyang kagandahan? Simula no’n, ’di ko na siya muling nasilayan.

Kahit hiwalay na kami, si Mica ang nagbukas ng huling pagkakataon para isalba ko ang namimiligro kong pag-aaral. Pasikreto niyang ginawa ’yon. Tumawag sa akin si Mr. Alfonso kahapon at binigkas ang mga pangungusap na unang nagbigay ng tuwa matapos ang ilang linggo kong pagdadalamhati: “Pumasok ka bukas. Same rules. Huwag kang mali-late. Pasalamat ka, boy, at may girlfriend kang matiyagang nakiusap para sa ’yo.” Apat na segundo akong nakangiti n’yon.

Bumaba na ako sa bus. Wala na kasing pag-usad na nagaganap, parang Pilipinas. Trenta-minuto na lamang ang natitira at bibitayin na ako ni Alfonso. Tinakbo ko ang natitirang mga kanto patungo sa susunod na sakayan. Hakbang, tingin sa relo, hakbang, tingin sa relo, hakbang, punas sa noo. Wala na akong pakielam kung maligo ako sa magkahalong lagkit ng pawis at patak ng ulan. Ang mahalaga, umabot ako sa aking paglilitis.

Labing-limang minuto ang nalalabi. Pinilit kong isiksik ang aking puwit sa natitirang espasyo sa upuan ng dyip, mabilis na kinuha ang wallet, at nagbayad ng saktong barya sa pamasahe upang hindi na ma-hassle sa paghihintay ng sukli. Kuyakoy, tingin sa relo, kuyakoy, tingin sa relo, kuyakoy, punas sa noo. Malamig ang mga butil ng pawis sa aking noo. At bawat pagtulo ng butil, nagdarasal ako sa lahat ng kilala kong santo. Masama ang tingin sa akin ni manang, katapat ko sa dyip. Nagtataka marahil kung bakit hindi ako mapakali. Sa kanyang mga titig, parang gusto niya ako tanungin ng “Toy, natatae ka na, ano?”

Pagbaba sa dyip, bumalik na naman ako sa fun-run marathon. Abot ko na ang pag-asa. Abot ko na ang pangarap. Tanaw ko na ang campus gate. Tanaw ko na si Manong Guard. Basang-basa na ang aking T-shirt. Pulos putik na ang aking pantalon. Amoy alimuom na ako. Huling sulyap sa relo . . .  mayroon pang tatlong minuto — sapat upang bumago ng buhay.

Pagpasok sa gate . . .

“Saglit,” sita ni Manong Guard. “I.D mo, Sir?”

Anak ng tipaklong sa Africa! Biglang nag-flash sa utak ko ’yung plantsado kong polo, nakasampay sa aparador . . . kasama ang nakabitin kong I.D.

“A, e kuya, naiwan ko sa bahay, e.” natataranta kong sagot.

“Ay Sir, hindi puwede, e. Wash day tayo ngayon, e. Paano ko malalaman kung estudyante ka rito?”

“May notebook naman ako dito, Kuya.”

“Hindi pa rin puwede, Sir. Malay ko ba kung sa ’yo talaga ’yan.”

Seryoso? Ngayon pa talaga ako natapat sa mahigpit na guard? Sumulyap ako muli sa aking relo. Isang minuto. Kung tatakbuhin ko ang kabilang gate, hindi na ako aabot.

“Kuya, sige na. May special exam ako ngayon. Baka pwede naman—”

“Sorry talaga, Sir. Sumusunod lang tayo sa protocol.”

At nasa protocol niyo rin ba mawalan ng puso? Ilang beses ko pa ulit sinubok makiusap, hanggang sa ayaw na niya ako pansinin. Hindi na ako nagbalak makipagtalo pa. Umalis ako. Tumingala sa langit. Marami ako gustong itanong — o isumbat — subalit ang naibulong ko lamang ay “Bakit?”

Nawala na ang pag-asa. Parang lumalakas ang lahat ng tunog sa aking paligid. Parang lahat ay naririnig ko nang maiigi: ang patak ng ambon, ang mabilis kong pulso, ang pagtulo ng malalamig na butil ng pawis mula sa aking noo. Muling sulyap sa relo . . . isa . . . dalawa . . . tatlo . . . apat . . . lima. Tapos na ang paglilitis. Tapos na ako. Walang himalang nangyari.

Paano ko sasabihin kay Mamsi na hindi na estudyante ang anak niya? Paano ko sasabihin sa bisor ko na kailangan ko pa ng trabaho? Paano ko sasabihin kay Mica na kailangan ko siya ngayon, higit kanino man? Sa dami kong nais sabihin, may makikinig pa kaya?

Sana buhay pa si Papsi. Sana hindi ko iniwan si Mica. Sana pumasok na lang ako sa trabaho. Sana. Pero wala na akong tatay. Wala na akong nobya. Wala na yata akong trabaho. At ngayon, wala na rin ako sa unibersidad.

Kumidlat, at maya-maya, ang ambon ay muling naging malakas na ulan. Nagyelo ang mundo. Naging manhid ang pakiramdam. Ang tanging mainit lamang ay ang luha na nangingilid sa aking mga mata. Salamat sa ulan, at itinatago niya ang bawat patak, ang pag-iyak, ang lahat ng kahinaan. Walang makapapansin sa gumuguho kong mundo.

At dumilim ang paligid. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan, ngunit hindi na ako nababasa. Mula kasi sa kawalan, may payong na biglang sumilong sa akin.

“Gusto mo bang magkasakit?” tanong ng may-ari ng payong.

Napangiti ako. Na-miss ko ang malambing niyang tinig. Na-miss ko ang kanyang pag-aalaga. Na-miss ko si Mica. Mahal ko si Mica. Mahal na mahal. Agad ko siyang niyakap, at kahit ayaw kong umiyak, ibinuhos ko lahat, isinabay ko sa ulan.

“O bakit? Anong problema?” tanong niya na parang wala akong kasalanan sa kanya, na parang hindi ko siya iniwan, na parang tinanggap niya ako muli sa kanyang buhay nang walang pag-aalinlangan.

Kahit nahihiya, tumingin ako sa kanyang mga mata. “Sorry. Hindi ako umabot sa test. Sayang effort mo.”

At napahalakhak siya. Matamis ang tawa. Nakapagtataka. “Baliw ka! Wala si Sir Alfonso. Hindi nakapasok kasi may trangkaso.” Patuloy ang kanyang pagtawa.

At ako, sa isang iglap, muling nabuhayan ng loob, mistulang natanggalan ng tinik sa lalamunan, muling napuno ng pag-asa. Akalain mo ’yon. Tinanong ko ang langit kanina; sinagot Niya ako sa paraang hindi ko inaakala.

Silong-silong ng payong, hinalikan ko sa noo si Mica, at pagkatapos ay mahigpit ko siyang niyakap, sa gitna ng malakas na ulan. Tumingala muli ako sa langit, at bumulong ng “Salamat sa himala.”

* * *

Isang segundo para humiga sa kama.

Isang segundo rin lamang ang kailangan para ipikit ang mga mata. Sa pagtulog, baunin ang lahat ng magagandang ala-ala patungo sa panaginip, at matuto sa mga hindi magandang nangyari sa maghapon.

Binigyan Niya tayo ng 86,400 segundo sa araw-araw. Ilan ang binigay natin para magpasalamat?

Araw-araw tayong nahihimbing ng anim hanggang walong oras sa ating higaan, at sa bawat segundong iyon, ang ating mga katawan ay bukas sa panganib at walang kalaban-laban. Hindi ba’t isa nang himala ang pagmulat pa lang ng ating mga mata sa bawat pagsapit ng panibagong umaga? Kaya’t huwag nating kalimutan na magpasalamat sa Kanya. Huwag tayong magdalawang-isip sa kanyang probidensiya.

Dahil ang bawat segundo ay isang himala.

 

Paru-Paro ng Lansangan

Posted: June 11, 2016 in Maikling Kuwento

Hindi ko alam kung sa’n ka galing at bakit ka pa nabuhay. Pero alam ko kung ano ang pangalan mo.

Pilit kang lumalapit sa ’kin, ewan ko ba. ’Di ko alam kung may nais ka bang ibulong. O nagtatangka kang makipagkaibigan, ano? Kasi ako — kung marunong ka magtanong — ayaw ko. Ayaw kong humihilig ka sa aking balikat, o sumasandal sa aking likod, o humahawak sa aking mga binti’t braso. Basta, ayaw ko. Pasensya ka na, pero hindi naman ako suplado, at lalong hindi ako galit sa iyo; naiinis lang ako kapag nand’yan ka. Magkaibang bagay ’yon.

Subalit nito lang, napagisip-isip ko na pareho nga lang pala tayong nabubuhay sa ilalim ng iisang araw. Pareho rin tayo ng pangangailangan: kung magutom ay kumain, kung mauhaw ay uminom. At dahil sa pagsisikap mong mapalapit sa akin, napagtanto ko na katulad ka pala ng aso ko, na kahit bugawin at batuhin, ay pilit bumabalik upang mahawakan lamang ako.

Pasens’ya ka na at naihalintulad kita sa aso kong bobo. Pasens’ya ka na rin sa mga pagkakataong nababato kita ng tsinelas (na hindi naman tumatama), dahil sa pagkagulat minsan sa biglaan mong pagsulpot. Nakalimutan kong mayroon nga rin palang tsinelas sa langit na nakaambang tumapak sa akin anumang oras. Kaya nga lang, hindi siya tao; higit na mas malawak ang pang-unawa niya kaysa sa mga katulad ko. Kaya malas mo, dahil tao lamang ako, na padalus-dalos madalas, at patuloy na nabubulag sa paniniwalang kami ang pinakaimportanteng nilalang sa mundo. Pasens’ya na rin kung madalas magsigawan ang barkada kapag dumarating ka. Hindi sila galit, maniwala ka. Ayaw lang nila sa ’yo. Kitams? Hindi lang ako ang may ayaw sa iyo.

Naunawaan ko man ang iyong sitwasyon at kalagayan, ang iyong pag-iral, patawad dahil hindi ko pa rin kayang makipagkaibigan sa tulad mo. At isa pa rin ako sa mga tatakbo at magbabato ng tsinelas mapalayo lang sa ’yo. Pero pampalubag-loob: kalilimutan ko na ang iyong pangalan. Simula ngayon, tatawagin na kita sa bansag na Paru-paro ng Lansangan.

Pasalubong

Posted: February 28, 2015 in Maikling Kuwento
Tags: , ,

Magdamag akong nakatingin sa bintana ngayong araw. Binabantayan ko ang orasan na matagal nang nakasabit sa aming dingding. May nakapagsabi kasi sa akin na may darating na pasalubong. Paulit-ulit lang naman ang takbo ng oras, pabalik-balik lang sa mga numero ang dalawang kamay na tila nagpapaunahan sa walang katapusang karera. Minsan, naisip ko na sana ay orasan na lamang ako, o kahit man lang maliit na relo: nasa isang lugar lamang, minsan ay nakasabit lang sa kamay ng tao; hindi napapagod, hindi nag-aalinlangang magpatuloy at tumakbo.

Ako ang kabaligtaran ng kinaiinggitan kong orasan — mahina, wala nang ganang tumakbo at magpatuloy sa buhay. Sa isang bagay lang yata kami magkapareho — sa pagiging mag-isa.

Ilang taon na rin akong mag-isa. At sa kasamaang palad, hindi ko alam kung bakit. Nakalimutan ko ang dahilan simula nang marinig ko ang paparating na pasalubong. Siguro maaalala ko rin naman ang dahilan bago matapos ang araw na ito. Medyo naiinip na nga ako, e. Maghapon na kasi akong nakaupo sa isang sulok at nakatitig sa orasan na kanina pa tumatakbo. Nasasabik na ako sa pasalubong na parating. Hindi ko rin alam kung bakit.

Ilang sandali pa, nakarinig ako ng mga yapak — yapak na nagpalabas ng ngiti sa aking labi. Sigurado akong siya ang magdadala sa akin ng pasalubong. Agad kong inialis ang aking mga matang maghapon na nakapako sa orasan upang lingunin ang aking bisita. Bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na nakasuot ng mahaba at napakaputing damit.

Malaki na nga yata talaga ang mga butas sa pintuan ng aking tahanan. Nakapasok siya nang hindi ko pinagbubuksan. Nakalimutan ko kasing ipagawa ang pinto sa karpintero na madalas nakabantay sa tapat ng bahay ko.

“Ikaw ba ang may dala ng pasalubong para sa akin?” nasasabik kong tanong sa kanya.

Tumango siya, ngunit mukhang labag sa kanyang kalooban ang paghahatid dahil sa matamlay niyang mukha at pilit na ngiti. “Oo, ako nga,” mahina niyang sabi.

“Ngunit wala naman ako nakikitang dala-dala mo,”

“Ibang pasalubong ang hatid ko sa iyo,” sagot niya.

“Ano?” tanong ko nang may pagkasabik.

Pero hindi niya ako sinagot. Ipinatong niya lamang ang kanyang kanang kamay sa aking ulo na wala namang buhok, at bumulong ng mga salita na sa palagay ko ay matagal kong hindi narinig sa mahabang panahon. Wala man akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi, pakiramdam ko’y nagbibigay ito ng kapayapaan sa akin sa kanyang bawat bigkas.

Nakarinig akong muli ng mga yapak. Huminto sa pinto ang dalawang lalaki na kamukha ng karpintero na nakabantay sa tapat ng bahay.

“Sino sila?” tanong ko.

“Sila ay aking mga kasama,” sagot sa akin ng nakaputing lalaki.

“Sila ang may dala ng pasalubong?”

Tumango siya. “Ano ba ang gusto mong pasalubong?”

“Kahit ano?”

“Kahit ano,” sagot niya.

Napangiti ako, at matagal napaisip.

“Wala ng oras. Kailangan mo nang sabihin sa akin ang iyong kahilingan,” pagpapaalala niya.

Gusto ko sanang kumain ng cheeseburger sa Mcdo, o di kaya ay isang box na lamang ng pizza sa Shakey’s — matagal na kasi akong hindi nakatitikim ng mga ‘yon — kaso wala na raw oras.

Biglang may lumaylay sa kanyang bulsa: isang kwintas na gawa sa pilak, at sa dulo nito ay nakasabit ang isang krus na kumikinang sa ganda. Sa oras na ito, alam ko na kung ano ang aking kahilingan.

“Maaari bang sa akin na lang ang iyong kwintas?” tanong ko.

Napangiti ang lalaking nakaputi. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kwintas na gawa sa pilak. “Ito na ba ang gusto mong kahilingan?”

Tumango ako. “Opo,”

Laking tuwa ko nang isinabit niya ang kwintas sa aking leeg.

“Gusto mo bang sumama sa aking mamasyal?” tanong muli ng nakaputing lalaki.

Hindi na ako tumanggi, tanda ng aking pagpapasalamat.

Tumayo ako at lumakad. At masaya sa natanggap na regalo.

Binuksan ng karpintero na nakabantay sa tapat ng bahay ang butas-butas na pintuan. Matamlay ang kanyang mukha. Tanging tapik sa balikat ang bati niya sa akin.

Kasunod ko ay ang lalaking nakaputi, at ang dalawa niyang kasama na mukha ring karpintero.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa nakaputing lalaki.

“Sa dulo ng kalye,” sagot niya.

Mahaba ang kalye ngunit ayos lang. Ang hindi ko maintindihan, lahat ng kapitbahay ko ay naghihiyawan. Hindi ko sila maintindihan. At ayoko rin silang pansinin. Ang importante ay mamamasyal kami ng aking mga bagong kaibigan.

Narating namin ang dulo ng kalye. Pumasok kami sa isang pintuan, butas-butas din na katulad ng pinto sa aking tahanan. Bumungad sa akin ang isang silya, at pinaupo nila ako roon.

“Bakit ako lamang ang pinaupo ninyo? Kayo ba ay walang balak magpahinga?” pagtataka ko.

Hindi nila ako sinagot, mistulang hindi ako narinig.

Itinali nila ang aking dalawang kamay sa silya. At tinakpan ang aking ulo. Madilim, pero presko. Alam ko na ang gusto nilang mangyari: gusto nila akong makatulog ng mahimbing. Siguro, alam nilang napuyat ako sa paghihintay sa pasalubong.

“Maraming salamat sa pasalubong kaibigan,” sabi ko sa nakaputing lalaki – na hindi na nakikita ng aking mga mata.

“Magpahinga ka na kaibigan,” sagot niya.

Tumahimik ang paligid. Hindi ko man nakikita, alam kong nasa paligid ang orasan. Naririnig ko ang pagkumpas ng kamay nito kasabay ng mga salita kanina na nagbibigay kapayapaan kahit hindi ko maintindihan.

Pakiramdam ko ay malapit na akong makatulog.

Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ako nag-iisa noon.

Siguro, maaalala ko na ‘yon paggising ko.

Basta ang alam ko, masaya ako sa natanggap kong pasalubong.

44

Posted: February 12, 2015 in Maikling Kuwento
Tags: , ,

Malakas ang putukan, ngunit hindi ako nabibingi. Marahil ay sanay na nga ako.

Kasabay ng mga ibong lumilipad na nabulabog ng aming mga baril, ay ang mga bala na nagsasalubong at maaaring umubos sa aming grupo.

“Retreat!” malakas na sigaw ni Kumander. Paubos na kasi ang karga ng aming mga sandata.

Putok. Atras. Putok. Atras. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin habang tumatakbo ang aming mga paa.

Habang lumalayo, hindi ko namalayang isa-isa na palang tumutumba ang aking mga kasama. Hindi ko man lang sila magawang lingunin dahil nakapokus sa kalaban ang aking mga mata. Gayunpaman, hindi ako natatakot. Hindi ako susuko. At patuloy akong makikipaglaban.

Ako pa! Sa tapang at lakas ng loob ay hindi yata ako mauubusan. Sanay yata ako sa pakikipagsapalaran!

Ngunit bigla akong kinabahan nang mapansin ko ang biglaang katahimikan. Oo. Marahil ay hindi na nga ako sanay sa katahimikan dahil hiyang na sa malalakas na putukan. Hindi ko na marinig ang mga utos ni Kumander, at hindi na bumubuga ang baril na aking tangan-tangan. Wala na ako magawa kundi dumapa at maghanap ng mapagtataguan, gumapang at iasa ang aking buhay sa matataas na tanim dito sa malawak na maisan.

Napatigil ako sa paggapang nang makita ko si Pengpeng, ang pinakamaliit kong kasamahan. Buhay pa naman, subalit malabo na yatang makatayo dahil sa malala niyang tagiliran. Kinamusta ko ang lagay niya ngunit hindi niya ako pinansin. Nakangiti lang siya sa hawak niyang litrato at nais akong maging tagapakinig sa kanyang mga sasabihin.

“Pare, misis ko nga pala at ang dalawa kong anak,” hirap niyang sambit. “Sigurado akong pag-uwi ko sa amin ay yayakapin nila ako ng mahigpit,” pagpapatuloy niya.

Kasabay ng kanyang kuwento ay ang pagtangis, paghiyaw, pagmamakaawa at paghingi ng tulong ng iba naming mga kasamahan.

. . . at ang mga putok na isa-isang nagpapatigil sa kanilang mga hininga.

Muli kong narinig ang boses ni Kumander, ngunit hindi na utos ang isinisigaw niya. Umaalingawngaw sa paligid ang pagmamakaawa, “Tama na! Tama na!”.

Napaluha ako ngunit walang pag-iyak. Hindi dahil sa matinding takot o kaba. Nagsisisi lang ako dahil hindi ko nadala ang litrato ng aking mag-ina. Nakaiingit naman si Pengpeng. Wala talaga akong kwentang ama.

Bakit nga ba inuna ko pa ang bayan kaysa sarili kong pamilya?

Kamusta na kaya si Junior? Naglalaro kaya siya ngayon ng patintero?

Si misis kaya? Hinihintay na ba ako sa lamesa naming may nakahain na adobo?

Prrrrrrrrrrrrt! Sunud-sunod na ratrat.

Kanina pa pala tumakas ang isip ko sa reyalidad. Kanina pa pala ako wala sa ulirat.

Napatingin ako muli kay Pengpeng, ngunit tahimik na siya; wala nang mukha, at hindi ko na makilala.

Ngayo’y sa akin na nakatutok ang baril na bumaboy sa kanya. Ngunit wala pa rin takot sa aking dibdib o katiting na kaba. Tumingin na lamang ako sa maaliwalas na kalangitan. Ayoko nang lumingon pa sa kanan man o kaliwa. Sa oras kasing ito, mukhang sa langit lang mayroong kapayapaan.

Sa kalangitan, para ko na ring nakita ang pamilya ko bago man lang ako pumikit sa walang hanggang kadiliman.