Archive for the ‘Kuwentong Mateo’ Category

Sus, horror.

Posted: May 21, 2019 in Kuwentong Mateo
Tags: ,

Paborito ko rin naman ang mga Horror movies. Pero sa lahat ng kategorya, iyon ang nahuhuli sa listahan. E bakit hindi? Horror ang pinaka-obvious sa lahat; predictable ang story lines; kailangan kasama lagi ang plot holes; kumbaga, ang ironic kasi tinawag na Horror pero walang thrill (para sa’ken).

Minsan din akong nilamon ng takot dahil sa panunood ng mga palabas na ‘yan tuwing gabi (na dapat hindi pinapanuod kapag matutulog na, lalo na ng mga bata). Subalit mapa-multo, serial killer, zombie, halimaw, ang laman ng Horror, halos pare-pareho lang din ang takbo ng istorya. Kung ilalagay nga ako bilang karakter sa isang Horror Movie, sigurado ako sa sarili kong makaliligtas ako hanggang sa credits scene. Weh? Paano? Teka.

Ito ang ilang gabay at paraan para maka-survive sa isang Horror Movie:

  • Ang pinaka-importante, syempre sa lahat, kailangan hindi ka tanga. Dapat may common sense ka.
  • Bago magsimula ang movie, mang-away ka ng tropa, o kapamailya, o kapit-bahay. Isa ‘yun way para tumagal ka, para magkaroon ng unfinished business at hindi ka maging candidate agad sa mga mamamatay sa movie.
  • Kapag na-stranded ka sa isang lugar na hindi mo alam at malayo sa kabihasnan, huwag pumunta sa bahay na walang kapit-bahay. It’s a trap.
  • Kapag nanaginip ka ng masama, tandaan mabuti ang mga nangyari sa bangungot pagkagising, kasi mangyayari ‘yun. At least makapag-isip man lang paano ka makakaligtas.
  • Huwag ka magbabanyo mag-isa. Pasama ka lagi hanggang sa loob. Kahit magsabay na kayo mag-shower ng tropa mo basta wag ka mag-iisa. Maraming trippings at manyak na multo at killer; kung kelan tinatawag ka ng kalikasan dun pa sila sumusulpot.
  • Kung sakaling na-flat ang gulong mo habang tumatakas papalayo sa gustong pumatay sayo, huwag ka hihinto. Una, dahil wala naman manghuhuli sa’yo at kukuha ng lisensya mo. Pangalawa, tatakbo pa rin yan kahit flat ang gulong. Pangatlo, wala ka naman choice.
  • Kapag marami kayo, much better. Huwag na kayo maghiwa-hiwalay. Wala kayo sa Scooby-Doo para maghanap ng clues.
  • Kung grupo kayo, dumikit sa good boy/girl, o good looking. Lumayo sa mga adik, nerd, taklesa —  o kung foreign movie ito –- lumayo sa Asian. Hindi ko alam kung bakit sila ang inuuna. Kung lahat kayo Asians, lumayo sa nognog at singkit.
  • Kung grupo kayo, panatilihin mong “virgin” ka. Di ko alam pero lahat ng mga karakter na may bed scene, automatic – patay.
  • Malaki ang chance na unang mamamatay ang mga babaeng kita ang cleavage. Layo-layo. Lason ‘yan.
  • Huwag kang sadista at mapanakit, lalo na sa mga kasama mo. Kapag bayolente ka, mas brutal ‘yung death scene mo sa movie.
  • Pag may nakita kayong sign na Keep Out, No Trespassing, o Beware, huwag niyo na pasukin. It’s a trap. Bache na agad! At kahit wala ka sa Horror movie, hindi naman talaga dapat pinapasok ang mga ganun sa totoong buhay.
  • Huwag kang hawak nang hawak ng mga sinumpang bagay. Huwag ka mamaru at tapang-tapangan. Sa mga ganitong pagkakataon, curiosity kills you. Lalo na rito sa Pinas? Kung sakaling dito mapunta ang cursed tape ng The Ring, siguradong hindi mawawala ang ganitong dialogue: “Weh? Di nga? Pag ako hindi namatay diyan after seven days, bibigyan mo ‘ko isanglibo, ha.”
  • Huwag ka sisilip sa ilalim ng kama. Matik na yun: kung wala ka man makitang multo, aatakihin ka naman sa puso kasi nandun yung videographer.
  • Kapag babarilin ang killer, dapat sa ulo lamang. Siguraduhin na labas ang utak. Walang silbi ang kahit anong sandata sa katawan nila; neutralized lang sila panandalian kahit tanggalan mo ng mga paa at kamay, pero babangon at babangon hanggat hindi sumasabog ang utak o dismembered ng sobra. If may time, sunugin mo pa.
  • Kahit sabog na ang utak ng killer, i-double tap mo pa rin siya para sure. O kaya biruin mong may ipis sa balikat niya para alam mo kung nagpapatay-patayan o hindi. Hindi ko alam kung anong binabatak ng mga animal na ‘yan at hindi mamatay-matay.
  • Huwag nang balakin tumawag sa cellphone at mag-dial ng 911. Pustahan lobat yan. Kung susuwertihin, may sasagot na dispatcher at tatawag ng pulis. Although, wala naman talaga magagawa ang mga rumerespondeng pulis sa pelikula, dagdag-oras din ‘yon para makatakas habang pinapatay sila ng killer.
  • Kapag na-corner ka ng killer, huwag ka masiado mag-alala. Usually bago ka nila tagain o barilin, may dialogue pa silang kailangan sabihin. Daldalin mo lang, kunware galit ka. Maya-maya may masusulyapan ka nang palakol, baril, o pako sa tabi mo, na abot-kamay bilang panlaban. Bilisan mo lang kasi 20 seconds lang ang mga ganung scene.
  • Asahan ang brown-out. Lahat ng serial killer at multo, electrician. Alam nila lage kung nasaan ang switch ng bahay niyo, at lever ng main source. Sa mga ganitong senaryo, talasan na lamang ang mga mata at pakiramdam. Huwag magtago sa closets at mga kabinet. Alam na nilang nandun ka bago ka pa magtago.
  • Kapag tumatakbo ka, huwag ka lilingon; magugulat ka na lang kasi kahit anong bilis mo nasa likod mo pa rin ‘yung animal na yan.
  • Kung girl ka, get a boyfriend. Advantage yun kasi siya ang unang papatayin.
  • Kapag may narinig kang langitngit ng pinto, o sigaw ng parang kinakain na pusa, kumuha na agad ng sandata at dahan-dahan magtago.
  • Kapag may nagsalita ng Latin, barilin mo agad sa noo. Kung hindi man siya possessed, barilin mo pa rin. Hinahabol na kayo ng mga demonyo, nag-jojoke pa ang tanga?
  • Bago sumakay ng kotse, paulanan muna ng bala ang backseat nang madala ang animal.
  • Kapag may appliances na kusang bumubukas at gumagalaw, o inanimate objects katulad ng mga manika na iba ang dating, sunugin mo na agad ang bahay. Unahan mo na.
  • Pag nakagat ang tropa mo ng zombie, save him na from agony. You know what I mean.
  • Kapag may dumila sa kamay mo sa kalagitnaan ng dilim, hindi mo aso ‘yun. Patay na ang aso mo.
  • Kapag nasa intense part na kayo ng movie at may hawak kang pamalo, kapag may nakita kang gumalaw, paluin mo na agad. Pwedeng kaibigan mo lang ‘yon o kapatid, oo, pero mas mabuti nang safe tayo. Just say sorry later.
  • Kung zombies ang kalaban, magpunta agad sa isla. Di marunong lumangoy ang mga imbecile na yan.
  • At syempre, makinig sa mga sigaw at mando ng mga nanunuod sa movie mo. Omniscient sila at omnipresent. Alam nila ang lahat.

“Masiyado kang mailap, Maria.”

BABALA: ANG MGA SUSUNOD AY HINDI ANGKOP SA MGA BATA AT MATATANDANG HINDI SANAY SA PORN! FIRST TIME KONG SUSUBUKAN ANG GENRE NG EROTIKA. ANG MGA MABABASA AY PAWANG GINAWA LAMANG PARA SA SINING NG PAGSUSULAT AT HUWAG SANANG IUGNAY SA IBANG USAPAN O PAKSA. KUNG MASIYADONG MASELAN PARA INYONG PAG-IISIP AT EMOSYON, MAARI NA LAMANG PONG MAG-SCROLL DOWN PARA SA IBANG KALOKOHAN NG PAHINANG ITO, O BUMALIK NA LAMANG SA PAGTI-TWEET NG MGA SERYOSONG BAGAY TUNGKOL SA INYONG BUHAY. MARAMING SALAMAT PO!

Nanggigigil si Flavio. Muli niyang dinuraan sa mukha ang nakataling diyosa. Hubo’t hubad sa puno ng kawayan. Nakabuyangyang ang matatayog na susong kinakapitan ng kulay rosas na mga utong. Pilit na tinatakpan ang perlas sa gitna ng mga hita. Bulgar. Saksi ang langit kahit lumililim ang kagubatan. Kita ang buong kaluluwa. 

Matagal hinintay ni Flavio ang sandaling ito. Ang makapaghiganti. Ang maipatikim ang naipong poot sa isang nilalang na tumapos sa masasayang ala-ala ng nasira niyang asawa. Isa itong araw ng pagbubunyi. At gagawin niya itong masalimuot para kay Makiling.

“Alam mo, matagal kitang hinanap,” maluha-luhang sabi ni Flavio. Halata ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Subalit kita rin ang ngiti – ngiti na makikita lamang sa isang batang inagawan ng kendi, na tumigil lamang sa pag-ngawa nang binilhan ng sorbetes. “Matagal, Maria. Matagal.”

“Hindi ko sinasadya, maniwala ka,” pagtangis ni Maria. “Nadamay lamang ang iyong asawa sa galit ko sa inyong nayon.”

“Manahimik ka!”

“Walang magagawa ang pananahimik ko!”

Bumagsak ang likod ng palad sa pisngi ni Maria. Nagmistulang kidlat na umugong sa katahimikan ng kabundukan. “Hindi kita tinugis upang marinig ang lahat ng kasinungalingan mo. Ginawa ko ito upang iparanas sa’yo ang sakit na ipinaranas mo nang tinanggalan mo ako ng buhay!”

“Ipinaranas?” tugon ni Maria, daing ang sakit ng natamong sampal. “Sige paano, Flavio? Paano mo ipararanas sa akin ang mawalan, gayong matagal nang wala ang lahat sa akin?

“Minahal ko ang bayan ninyo, at ang buong Sto. Sepulcro. Binigyan ng prutas at trigo. Ginawang ginto ang bawat butil ng bigas. Pero ano? Anong ginawa n’yo? Pinagnakawan n’yo pa rin ako. Ginawan ng masama sa kabila ng lahat ng pagmamalasakit.”

Sinakal ni Flavio ang mga pisngi ni Makiling. “Ginto? Maria, ginto?

“Hindi namin kailangan, o kinailangan kailaman ng ginto mo, dahil matagal nang mayaman ang aming bayan. Sino ba ang nagsabing kailangan ka namin? Ng tulong mo?

“Wala kami sa krisis, Maria. Hindi kami naghihirap sa kabila ng simpleng pamumuhay. Ang tangi lamang unos na naranasan namin ay ang araw na binagsak mo sa aming lugar ang walang-awa mong galit!

“Inakit mo kami sa mga luho at bagay na hindi namin hiniling sa iyo!”

“Kasinungalingan!” sigaw ni Maria. “Binulabog ninyo ang nanahimik kong mundo sa kabundukan. Huwag ninyo sasabihin kailanman na ako ang ugat ng masamang gawain na isinukli ninyo sa aking kabutihan.”

Tahimik.

Napapikit si Flavio. Tumingin sa kalangitan. Naghahanap ng mga salitang naghahanap din ng kasagutan. “Kaya ba nagpaulan ka ng kidlat at kulog? Kaya ba ibinagsak mo sa bayan ang malalaking batong matagal nahimlay sa pinakamamahal mong bundok? Kaya ba ginunaw mo ang aming nayon sa pamamagitan ng matinding lindol, at pagkatapos naming umiyak ay huhugasan mo ang mga nagputik naming luha sa pamamagitan ng malakas na ulan?”

“Oo, Flavio! Oo!”

“Ulul ka, Maria!” malakas na tugon ng panday. “Hindi iyon ang dahilan. Ginagawa mo kong bata, puta! Sabihin mo sa mga mata ko ngayon na nadamay lamang ang aking asawa!”

Lumihis ng tingin ang diyosa. Iniiwasan ang mga susunod na katotohanang alam niyang hindi na maipagpapaliban ng kahit anong dahilan.

Umulit ang pagsakal sa mga pisngi. “Maria. Isa kang hangal. Alam ko. Hindi ang asawa ko ang nadamay kundi ang bayan ng Sto. Sepulcro. Sinadya mo ang lahat. Sinadya mong patayin ang asawa ko dahil sa . . .”

“Sa’yo Flavio. Oo, sa’yo!” pag-amin ni Maria. “Pina-ibig mo ’ko. At pinaniwalang ako ang tanging babae sa buhay mo. Hindi ko nakayanan ang iyong pagtatapat nang sinabi mong matagal ka nang may-asawa. Ginamit mo ’ko. At palalabasin mo ngayon na ikaw ang biktima?

“Minahal mo rin naman ako ‘di ba?” nababaliw na tinig ng diyosa.

Nangangatal ang bibig ni Flavio. Naghahalo ang galit, ang pagsisisi, ang katotohanan na isa siya sa mga dahilan ng lahat ng kanyang pagdurusa. “Hindi kita kailanman minahal, Maria. Nagiyang lamang ako . . . natukso. Sinong mortal ang hindi mahuhumaling sa kagandahan ng isang diyosa?”

“At sinong diyosa ang hindi mahahawa sa kapusukan at kahinaan ng mga mortal?” tanong ni Maria.

Nag-igting muli ang pagsisisi. Nananatili ang pagnanasang maghiganti. Sino ba ang tama? Sino ba ang mali? “Lahat ay pantay sa digmaan at pag-ibig,” bulong ni Maria, ngunit sapat na upang umalingawngaw at magdulot ng ulyaw sa kabundukan.

“Sa tingin mo ba ay isa lamang suwerte, o panaon ang pagkakadakip ko sa ’yo?” tanong ng panday pagkatapos ng pagninilay. “Hindi ka man lang ba nagtataka kung paanong sa isang tulad mong makapangyarihan ay wala man lang tumalab sa isang hamak na mortal na katulad ko?”

Isa itong rebelasyon. Hindi nga ito maunawaan ng diyosa hanggang ngayon. Hindi tumatalab ang lahat ng mahika sa panangga ng panday. Ano nga bang mayroon sa espadang taglay na sumasalag sa kamatayan? O hindi niya lang talaga sinasadyang tuluyan si Flavio?

“Hindi ito isang pagkakataon lamang, Maria,” pagpapatuloy ng panday. “Ito ang iyong kapalaran. Isinumpa ka ng langit, Maria. Noong araw na nagpaulan ka ng naglalakihang bato mula sa misterioso mong kabundukan ay doon ko nahanap ang isang makapangyarihang metal na buong-lakas na hinulma ng aking mga kamay upang maging isang espada. Espada na galing at kayang pumantay sa iyong kapangyarihan.”

Naliwanagan ang diyosa. Naalala ang mga batong sumira sa Sto. Sepulcro mula sa kanyang kapangyarihan.

Binunot ng panday ang punyal na ilang saglit pa ay humaba at naging mahiwagang espada, at pagmamalaking ipinakitang muli ang kapangyarihan nito sa bantay ng kabundukan.

Sumunod ay mabilis na hinablot ni Flavio ang makintab at mahabang buhok ng nagpupumiglas na diyosa, at gamit ang espada ay walang alinlangan niya itong pinutol at ikinalat sa lupa. Isa itong malaking pag-aalipusta sa isang tinagurian na diyosa.

Nagwagi ang panday. Natalo ang bantay. Ngunit nagsisimula pa lamang ang paghihiganti. Ang pambababoy sa mga nakakataas na nilalang. Ang pagbaliktad ng tatsulok.

Itinarak sa lupa ang espada. Inilabas ni Flavio ang isa pang sandatang nakatago sa kanyang salawal. Sandatang hindi man makasusugat sa katawan ni Makiling, ay siguradong tatagos naman sa damdamin at buong katauhan. Mabilis ang mga sumunod na eksena:

“Anong gina—” Hindi na nailabas ni Makiling ang mga susunod pa sanang salita, nang ipinasok ni Flavio ang matigas niyang ari sa bunganga nito.

Walang awa. Labas-pasok ang kabuuan ng titi ni Flavio sa bibig ni Maria. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto? Ang dahilan ng lahat? Hayaan mong ihandog ko ito sa ’yo, diyosang puta,” sabi niya sa sarkastikong punto.

Walang magawa si Makiling kundi isubo ang lahat ng laman na umaabot sa kanyang lalamunan at nagpapaduwal sa kanya. Wala siyang magawa kundi tikman lahat ang kahabaan, ang kaunting likido na unti-unti nang lumalabas — ang poot.

Sa wakas, at hinatak na ni Flavio ang nangangalit na titi, na ngayon ay nababad na sa laway. Nagtangkang magsalita ni Makiling ngunit agad siyang nakatikim ng sampal. Dinuraan ng panday ang mga suso ng bantay at biglaang sinipsip ang mga nakatayong tetilya. Napaungol ang diyosa, at unti-unti, naiibsan ang kanyang pagdurusa —  napapalitan ng libog na unti-unti na rin nagbibigay ng kakaibang ligaya at kaginhawaan. Hindi man maamin, matagal siyang nangulila sa mainit na pakiramdam na kay Flavio niya lamang naranasan . . . matagal nang panahon ang nakalilipas.

Patuloy ang pagsipsip at paglamas sa suso. Parang uhaw na aso sa gatas ng isang inahin. Nagsasalitan ang mga dila sa mga malarosas na utong. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Hindi mawari sa mukha ng panday kung ito ba ay naliligayahan sa mga ginagawa. Wala kasing alinlangan na makikita. Walang agam-agam.

“Tumigil ka na Fla . . . uhh . . . vio,” pakiusap ni Maria, ngunit hindi ng kanyang damdamin.

Tumigil si Flavio. “Pati dito ba naman ay makaririnig pa rin ako ng kasinungalingan?”

Itinaas niya ang isang binti ng nakatali na diyosa, at itinutok ang nangangalit na ari sa lagusan ng puke nito. Ikiniskis muna niya ang titi sa nakalitaw na klitoris, at biglaang ipinasok ang kahabaan nito sa loob ng laman.

Napaungol si Maria. Napaluha sa laki ng kanyang tinanggap. Sa likod ng kanyang isipan ay sarap na matagal hinanap ng kanyang katawan – ng kanyang katauhan. Wala na ring alinlangan. Hindi na tinatanong ang sarili. Ang paghihiganting nagaganap ay unti-unti na niyang ninanais. Matagal niya itong pinanabikan. Nalimutan niya ang lahat ng nangyaring pananakit. Nalimutan niya ang lahat ng pang-iinsulto sa kanyang katauhan. Nalimutan niya ang lahat-lahat. Tanging ang sarap lamang ang namumukod-tangi ngayon sa damdamin. Isa siya ngayong diyosang pinutulan ng buhok at ginawang puta ng isang lalaking buong-puso niyang minahal noon . . . hanggang ngayon.

Nag-umpisa nang bumayo si Flavio. May nag-iisang kawayan na yumuyugyog sa gitna ng kabundukan. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto?” paulit-ulit niyang tanong. Paulit-ulit din ang pananakal.

Sa bawat bayo ay katumbas ng isang ungol. Sa bawat pagsagad ay pag-iyak ng halinghing. Nararamdaman na ni Flavio ang namumuong init na nais kumawala sa kanyang mga itlog. Nakatingin siya sa mga mata ng diyosa – puno ng galit, init, at libog. Hinugot niya ang ari bago pa siya labasan. Kulang pa ang pambababoy na ito, naisip niya.

Hingal si Maria. Uhaw at bitin. Nananabik sa mga susunod na paghihiganti.

Binunot ng panday ang mahiwagang espada na nakaturok sa lupa, at mabilis na pinutol ang mga lubid na nakatali kay Makiling. Nakawala ang diyosa. Ramdam ang panghihina, pagod, at ngalay. Napaluhod.

Muling hinatak ni Flavio ang buhok na ngayo’y maikli na. Tinignan sandali ang mga mata, at biglang sinunggaban ng halik ang diyosa. Gigil na kinagat ang mga labi. Marahas na sinipsip ang dila.

Pagkatapos ay pinatuwad ang diyosang walang dudang nasisiyahang tunay sa pambababoy. Itinutok muli ang ari sa lagusan ng bulaklak at walang palyang ipinasok ang kahabaan nito. Muling binayo, paulit-ulit, at walang pahinga. Kagat-kagat ang labi sa bawat tinatanggap na ulos. Lumakas ang mga ungol at halinghing. Bumalik sa kanilang dalawa ang mga nagdaang ala-ala. Ang mga halikan. Ang mga siping sa ilalim ng buwan. Ang mga panunukso ng mga malalagkit na titig.

Binunot ni Flavio ang nangangalit na alaga. Itinulak sa malambot na lupa ang diyosa at iniharap sa kanya. Pinatungan at pinabukaka. Nagtagpong muli ang titi at naglalawang puke. Nagpatuloy ang pagbayo, na ngayo’y sinasabayan na ng paglamas sa mga suso, at matinding laplapan. Ari sa ari. Kamay sa tetilya. Dila sa dila.

Namuo ulit ang likidong umaakyat at bumabalot na sa kabuuan ng kanyang alaga. Alam niyang hindi na niya ito mapipigilan. Nawawala na siya sa sarili. Nakikita ang pagkabaliw sa sarap ng binababoy niyang diyosa. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“Mahal kita,” bulong ng diyosa sa tenga ng panday. Ramdam na ramdam niya ang bawat pagbayo, ang sarap at sakit na dulot ng pakikipaglaro sa apoy. Hindi na niya napigilan at inabot na niya ang rurok ng kalangitan. Napadiin ang kanyang mga kuko sa likod ni Flavio. Sunod-sunod ang orgasmo.

Naalala ni Flavio ang nasirang asawa. Sa pagkakataong ito ay ang asawa niya ang nakikita at hindi ang diyosa. Dulot ito ng matinding pangungulila. At sa isang iglap pumutok ang naipong tamod sa puki ni Makiling. Naramdaman ito ng diyosa sa loob ng kanyang laman, sinasakop ang bawat espasyo ng kanyang kabuuan, ng kanyang kaluluwa.

Naabot ang langit. Nangingisay sa sarap. Dahan-dahang nawala ang lakas. Napabagsak si Flavio sa katawan ni Makiling. Hingal at pagod. Tuyot at uhaw. Naghalo ang mga pawis at laway. Naglawa ang mga tamod. Amoy ang iba’t ibang likidong sumisingaw sa kanilang mga balat.

Binunot ng panday ang malambot na ngayong alaga. “Wala ka nang silbe, Maria,” bulong niya. Tumayo siya at binunot muli ang espada sa lupa. Itinutok sa leeg ng diyosa. “Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ka ng langit, ng iyong kabundukan, at ng mga ibon at mga kawayan.

“Pagkatapos ng araw na ito ay wala nang makakaalala sa iyo. Tatapusin ko ang iyong pag-iral, at pananatilihin ko na lamang na isang alamat ang iyong ala-ala para sa mga susunod na henerasyon.”

Buong-pusong pumikit si Maria. Wala nang takot. Tanggap na ang kanyang kapalaran at naghihintay na lamang na kunin ang kanyang buhay.

At umalingawngaw ang taginting ng espada sa kabundukan.

Dumilat si Maria at nakita ang isang punyal na nakatarak sa lupa. Tanaw niya si Flavio, naglalakad papalayo at rinig ang paghikbi, dahan-dahang naglalaho sa kadiliman dahil sa paglubog ng araw.

***

Lumipas ang mga panahon at muling nakabangon ang Sto. Sepulcro. Ngunit hindi katulad ng dati, walang kilalang diyosa sa kabundukan ang mga tao. Malaya ang mga mangangasong gumala anumang oras sa mga kagubatan. Isa na lamang alamat si Makiling. Isang istorya lamang. Kilala ngunit hindi pinaniniwalaan. Hindi nabuhay kailanman. Hindi naghasik ng poot. Hindi totoo.

Minsan ay may misteryosang babae na nagpapakita sa mga nagagawi sa kabundukan, may kasamang batang lalaki, at mailap ang mga ito sa tao.

“Malabong si Makiling ’yon,” sabi ng isang matandang mangangaso. “Walang anak si Makiling.”

SAN KA N?

Smbahan pa rn: Reply ni Jason sa nobya.

Katoliko si Jason, at katulad ng karamihan sa nasabing relihiyon, hindi naman talaga siya palasimba. Ngayon lang, kasi may importanteng okasyon. Nakikiuso.

Ash Wednesday kasi. Unang araw ng Kuwaresma. Isa sa mga araw ng paghahandog ng penitensya. Ito ang araw ng paglalagay ng abo (na galing sa sinunog na palaspas), sa noo ng mga Katoliko, ayon sa mga salitang “Magsisi, at maniwala sa ebanghelyo”, o salawikain na “Tandaan mo na nagmula ka sa alikabok, at sa alikabok ka rin babalik.”

Homily. Nakatambay lamang si Jason sa labas ng simbahan. Malakas naman kasi ang mga speakers. Pero hindi na importante iyon. Kahit gaano pa iyon kalakas, hindi naman niya iyon maririnig, dahil hindi niya naman pinakikinggan. Mas naririnig pa niya ang tunog ng kumakalam niyang sikmura. Hindi na niya ito natiis, at dahan-dahang binunot ang nakatagong kringles sa kanyang bulsa. Paborito niya ang pinoy kringles. Hindi ito katulad ng kringles sa ibang bansa na mukang pretzels na gawa sa ordinaryong tinapay. Ang pinoy kringles ay black and white. Hindi malaman kung saan gawa ang puting pulbo na bumabalot sa itim na tinapay; ang sigurado lamang, sapat na itong pampawi ng kumakalam na tiyan.

Message:   Mlapit na k.

Reply:     Malapt kna? 😀 (panunukso ni Jason sa nobya)

Message:   Cra ulo. San tayo after mo magsimba?

Reply:     Sa dti nalang mura don e

Message:   OK. Ready ka na ba? Nagpalkas ka na b? 😀

Reply:     Oo. Kumakain na ko ng kringles. 🙂

Message:   Kringles? Lalakas k b dian?

Reply:     We’ll see. 😀

Natapos ang Homily. Umikot na ang pari upang magbasbas ng holy water. At ilang sandali pa, pinapila na ang mga gustong magpalagay ng abo at krus sa kanilang mga noo.

Habang nasa pila si Jason, hindi niya maiwasang maisip ang mga nagdaang pakikipaglaro ng apoy sa nobya. Hindi man angkop sa lugar upang isipin ang maiinit na sandaling pinagsamahan, hindi niya ito mapigilan, lalo pa’t alam niyang ilang oras na lamang ay muli niyang matitikman ang malambot na labi ng kasintahan, at mapipisil ang matatayog nitong dibdib, habang nasisiyahan sa pagsupa ng mga nakatayong tetilya. Walang duda: walang pari, o krus, o banal na tubig na makapapawi sa tawag ng laman. At walang sermon na mas importante sa tunog ng langitngit ng papag.

At dumating na ang pagkakataon ni Jason.

“Tandaan mo na nagmula ka sa alikabok, at sa alikabok ka rin babalik,” aniya ng pari. Maigi nitong idinutdot ang daliri sa naghihintay na abo, ngunit sa pagtaas ni Father ng kamay ay hindi sinasadyang sumabit ang daliri nito sa tabi ng labi ni Jason.

Awkward, pero maliit na bagay. Awkward din kapag pinunasan sa harap ni Father. Baka magtawanan. Hindi na muna ito pinansin ni Jason, at taas-noo niyang tinanggap ang krus na iginuhit gamit ang abo.

Kahit hindi pa man tapos ang misa, lumabas na sa simbahan si Jason katulad ng nakaugalian. Tapos na ang pakay, kaya tapos na rin ang misa. Tumunog ang cellphone at tuluyan na ngang nakalimutan ni Jason ang abong naligaw sa gilid ng labi. Dali-dali niyang sinagot ang tawag sa sobrang eksaytment. “San ka na?”

“Tingin ka sa kaliwa.”

At sa paglingon nga’y nakita ni Jason ang nobya, papalapit sa kanya, taglay ang mapanuksong mga titig, na sinamahan pa ng tumitikwas na buhok at umiindayog na beywang. Lalong nag-init ang sandali para kay Jason.

“Kanina ka pa?” nakangiting tanong ni Jason. Hindi maitatanggi sa boses ang eksaytment.

Marahan, dumapo ang hintuturo ng nobya sa tabi ng labi ni Jason, kung saan naghihintay sa kalungkutan ang naligaw na abo. Sumama ang abo sa hintuturo, at dumiretso sa bunganga ng babae. Sinimot ito ng nobya gamit ang dila, at mapang-akit na sinabing “May kringles ka pa sa labi.”

Nabaliw si Jason.

4 x 4

Posted: December 2, 2018 in Kuwentong Mateo
Tags: , , ,

Mayroong isang lalaking nagmamay-ari ng isang bagong 4×4 Revo na sasakyan. Wala siyang garahe kaya madalas niya ito iparada sa bakanteng lote, dalawang kanto ang layo mula sa kanilang bahay.

Madalas, isang lasing na pasuray-suray ang lumalakad sa nasabing bakanteng lote. Napansin ng lasing ang 4×4 na tatak, binunot ang dalang balisong, at inukitan ito ng =16.

Kinabukasan, umuusok ang ilong ng may-ari sa sobrang galit. Agad niya itong ipinagbigay alam sa barangay, ngunit hindi matukoy kung sino ang salarin dahil wala namang saksi at CCTV sa paligid ng lote. Wala siyang nagawa kundi gastusan at ipatanggal ang =16sa pinakamamahal na kotse.

Kinagabihan, nakitang muli ng pasuray-suray na lasing ang awto, at napansin na wala na ang inukit niya. Galit nitong binunot muli ang kanyang balisong, at sinagutan muli ang 4×4 ng =16.

Kinabukasan, galit na namang nagsumbong ang may-ari sa barangay. Wala pa rin saksi kaya’t wala na namang nangyari sa reklamo. Pasalamat na lamang siya at hindi gulong o salamin ang pinagdidiskitahan. Wala rin namang ibang mas ligtas na lugar na paradahan sa kanilang lugar. Muli, napagpasyahan na lamang niyang gastusan at ipatanggal ang =16.

Kinagabihan muli, napansin na naman ng pasuray-suray na lasing ang naglahong =16. Muli niyang binunot ang balisong, at madiin niyang ibinalik, kasunod ng 4×4 ang =16.

Sa ikatlong araw, kamot-ulo na naman ang may-ari sa nakaukit sa kanyang awto. Hindi na siya nagreklamo sa barangay. Dali-dali na lamang siyang pumunta sa talyer at ipinagawa ang awto, ngunit sa pagkakataong ito, labag man sa kalooban, ipinasadya na niyang ilagay nang maayos ang =16.

Hatinggabi, sinadyang balikan ng pasuray-suray na lasing ang kotse, at siniguradong nandoon pa rin ang kanyang inukit. Napangiti siya nang makitang mas maayos nang nakalagay ang 4×4=16 sa awto.

Binunot niya ang balisong, sabay ukit ng CORRECT.

* Hindi sa akin ang ideya ng joke. Isa ito sa mga kinalakihan kong kuwentong barbero noong bata ako, at hindi ako magsasawang muling ikuwento ito sa susunod pang henerasyon.

“Tatlo. Tatlo na lamang ang maaaring makapasok sa inyo,” bungad ni San Pedro. “Puno na kasi ang langit.”

“E sino naman po ang dapat maiwan sa aming apat?” tanong ng unang lalaki.

Humawak ang santo sa kanyang balbas at sandaling nag-isip. “Kailangan ko malaman kung paano kayo namatay, at ako na ang bahalang magpasya.”

“Wala po bang exception sa katulad ko?” tanong ng nag-iisang babae.

“Hoy! Walang special treatment dito!” reklamo ng ikalawang lalaki. “Porket babae ka?”

Sumang-ayon ang unang lalaki sa ikalawa, samantalang tahimik lamang ang ikatlong lalaki na tila nilamon ng kalugmukan at walang balak makisali sa argumento.

Napailing na lamang si San Pedro. “Kailangan na natin umpisahan bago tumilaok ang manok.” Itinuro niya ang unang lalaki upang kausapin ito ng pribado. “Ikaw. Paano ka namatay?”

“Nasa office po ako n’on,” panimula ng unang lalaki, “nang biglang may tumawag sa akin; hindi ko kilala. Ang sabe, umuwi na daw ako, dahil nakita niya raw ang asawa ko sa terrace ng condo namin na may kahalikan. Noong una, hindi ako naniwala kasi akala ko’y hindi niya iyon magagawa sa akin . . . ’gang may i-send sa akin na picture ’yung unknown caller.

“Pagkakita ko sa picture, binato ko yung cellphone ko sa trash can, at mabilis na tumakbo papunta sa basement para sumakay sa oto ko. Hindi na ako nagpaalam sa boss ko.

“Hinarurot ko ang sasakyan kahit madulas ang kalsada dahil sa matinding buhos ng ulan. Todo busina kahit wala naman traffic. Pagdating sa building, pinagmumura at pinagsisipa ko ’yung elevator, kasi sira. Pero kahit nasa 11th floor pa ’yung unit namin at kahit may sakit ako sa puso, pinilit kong umakyat gamit ang hagdanan.

“Hingal na hingal ako pagdating sa tapat ng pintuan ng unit namin. Hindi ako kumatok. Tinangka kong buksan ang pinto pero naka-lock. Bigla ko naisip na mas maganda kung susurpresahin ko sila kaya inilabas ko ang duplicate key na nasa wallet ko. Dahan-dahan, binuksan ko ang pinto.

“Naabutan ko ang aking asawa na nagsusuklay sa kama, mukang bagong ligo. Masakit na ang batok ko nang sandaling iyon dahil siguro sa high-blood. Opo, may sakit na ko sa puso, may high blood pa ko, marami akong sakit. Mura ako nang mura at sigaw nang sigaw na ilabas niya ang kabit niya, pero ayaw niya talaga umamin. Naisip ko nga n’on na sana hindi ko tinapon ang cellphone ko sa basurahan para may ebidensya.

“Hindi ako nawalan ng pag-asa. Malakas ang pakiramdam ko na hindi pa nakaaalis ang kabit niya. Tumingin ako sa aming kuwarto, pero wala. Tumingin ako sa ilalim ng kama, ng lamesa, ng sopa, pero wala. Tumingin ako sa likod ng mga kurtina, pero wala. Hanggang sa mapunta ako sa terrace . . . nakakita ako ng dalawang kamay na nakasabit sa balconahe, basang-basa sa ulan, nagpupumilit kumapit, huwag lang mahulog. Doon nagsimulang dumilim ang paningin ko.

“Agad kong kinuha ang martilyo sa storage room. Mabilis akong bumalik sa terrace, at walang habas kong pinagpupukpok ang kamay na nakasabit. Naaalala ko pa ang paghingi ng tulong ng kabit niya habang dinudurog ko ang mga daliri nito. Umiiyak lamang ang asawa ko sa gilid, siguro dahil sa takot, pero nakapagtataka na hindi niya ako pinipigilan.

“Nang bumitiw na ang kabit ng asawa ko, narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao nang bumagsak ito sa ground floor. Pero himala, nakita kong nagpupumilit siyang tumayo; hindi ko akalaing mabubuhay pa siya dahil galing pa siya sa 11th floor.

“Sa matinding galit ko, pumunta ako sa kusina, at hindi nakuntento: binuhat ko ang napakabigat na refrigerator at hinulog sa naghihingalo niyang kabit. Mas malakas ang narinig kong sigawan nang bumagsak ito sa naghihingalong katawan. Sobrang bigat ng ref namin nang araw na iyon, pero kinaya ko. Siguro dahil nga sa galit. Subalit sa kasamaang palad, pagkatapos ihulog ang ref, napaupo ako . . .  at inatake sa puso. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang ikalawang lalaki upang ito naman ang kanyang pakinggan.

Namumutla ang ikalawang lalaki nang lumapit siya sa santo. “Nasa condo po ako ng babae ko nang araw na iyon. Nasa kasarapan kami ng . . . alam niyo na ho . . . nang marinig naming may nagbubukas sa door knob. Nataranta kami dahil siguradong iyon ang asawa niya.

“Maliit lamang ang condo unit nila, kaya siguradong kahit saan ako magtago ay  makikita ako ng asawa niya. Pero dahil desperado na ako, nagtago ako sa malaki nilang refrigerator. Mabuti na lang at hindi pa sila nakapag-gogrocery kaya walang masiyadong laman ang ref nila. At medyo may kaliitan naman ako kaya ako nagkasya.

“Takot na takot ako nang sandaling iyon dahil ramdam ko ang galit ng kanyang asawa. Rinig ko ang lahat ng sigaw at mura. Hindi ko nga lang alam kung sino ’yung humihingi ng tulong, o baka guni-guni ko lamang ’yon.

“Hanggang sa ilang saglit pa, naramdaman kong parang may bumubuhat sa ref na kinalalagyan ko. Nilaglag yata ako ng kabit ko at itinuro kung nasaan ako. Nang binuksan ko ang pinto ng refrigerator, huli na. Huli kong tanda ay nasa kalagitnaan ako ng ere kasama ang malakas na ulan, at bumagsak sa color green na tiles, at unti-unting nagdilim ang mundo ko pagkatapos magsigawan ang lahat ng tao. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang ikatlong lalaki upang ito naman ang kanyang pakinggan.

“Nasa condo po ako nang araw na iyon, 12th floor,” sabe ng ikatlong lalaki na ngayon lamang nagbigkas ng salita. “Napagpasyahan kong mag-map sa terrace dahil sobrang dulas gawa ng ulan . . . nang biglang may napansin ako sa baba, sa terrace ng 11th floor, na may naghahalikan.

“Kilala ko ang mga nakatira sa unit na iyon dahil sa kanila ako nagpapaiwan ng susi tuwing pumapasok ako sa trabaho. Pero ang nakita ko lamang ay ang babae, at iba ang kahalikan nitong lalaki. Dahil nga sa kanila ako nagpapaiwan ng susi, alam ko ang contact number ng mister nito.

“Hindi ako nagdalawang-isip na makielam sa kanila dahil nakokonsensya ako. Agad kong tinawagan ang kanyang mister at ipinaalam ang misteryong nagaganap sa kanilang tahanan. Nang hindi naniwala ang mister nito sa akin, mabilis kong kinuhaan ng litrato ang mga taksil at ipinadala ito sa kanya. Hindi na ito sumagot. Mukhang hindi niya talaga paniniwalaan ang mga nasaksihan ko. Tinangka kong kumuha ulit ng isa pang litrato para makakuha ng mas maraming ebidensya, pero sa kasamaang palad, nadulas ako.

“Pero sa kabutihang palad naman, napakapit ako sa balconahe ng 11th floor. Maya-maya pa, may naririnig akong pamilyar na boses, sigaw ng sigaw, galit na galit, at mura ng mura. Nabuhayan ako ng pag-asa kasi iyon ang boses ng mister nung babaeng taksil. Sumigaw ako, ‘Tulong! Tulong’, pero imbis na tulungan niya ako, pinukpok niya ng martilyo ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung bakit. Nang hindi ko na kaya ang brutal niyang pagdurog sa aking mga daliri ay bumitiw na ako. Rinig ko ang sigawan ng tao pagbagsak ko sa color green na tiles. Rinig ko rin ang paglagatok ng mga buto sa aking beywang. Pinilit kong tumayo pero hindi ko maramdaman ang aking mga paa. At bago pa man ako makasigaw muli ng tulong, may bumagsak sa aking mabigat na bagay. Nagdilim ang aking mundo. Ganun po ako namatay.”

Tumango-tango si San Pedro at tinawag naman ang kaisa-isang babae sa grupo upang pakinggan.

“Nasa condo unit po ako kasama ang kab—”

“Huwag mo nang ituloy,” pagpuputol ng santo sa kuwento ng babae. “Ikaw ang maiiwan sa inyong apat.”

 

Moral Lessons: 1) Kapag kukuha ng condo unit, huwag kukuha sa matataas na floor. Mahirap umakyat ’pag walang elevator. 2) Kapag magtataksil ka sa asawa, huwag makikipaghalikan sa terrace. Kasi 3) hindi porket nasa condominium ka, e wala nang chismosa’t chismoso. At 4) huwag masiyadong chismoso. Dapat ’yung tama lang para hindi ka nadudulas sa balconahe. Huwag bida-bida. At siyempre 5) Huwag nang magtaksil sa asawa. Nagiging sanhi ito ng Mass Murder.

 

Wait. Sa mga nagtataka kung paano namatay ’yung babae, nag-suicide siya. Maniwala ka na, please, para lang mabuo ’yung istorya. Si San Pedro kasi, e, hindi pinatapos ang bruha.