Ang Panday at Ang Bantay

Posted: April 13, 2019 in Kuwentong Mateo, Maikling Kuwento
Tags: , , ,

“Masiyado kang mailap, Maria.”

BABALA: ANG MGA SUSUNOD AY HINDI ANGKOP SA MGA BATA AT MATATANDANG HINDI SANAY SA PORN! FIRST TIME KONG SUSUBUKAN ANG GENRE NG EROTIKA. ANG MGA MABABASA AY PAWANG GINAWA LAMANG PARA SA SINING NG PAGSUSULAT AT HUWAG SANANG IUGNAY SA IBANG USAPAN O PAKSA. KUNG MASIYADONG MASELAN PARA INYONG PAG-IISIP AT EMOSYON, MAARI NA LAMANG PONG MAG-SCROLL DOWN PARA SA IBANG KALOKOHAN NG PAHINANG ITO, O BUMALIK NA LAMANG SA PAGTI-TWEET NG MGA SERYOSONG BAGAY TUNGKOL SA INYONG BUHAY. MARAMING SALAMAT PO!

Nanggigigil si Flavio. Muli niyang dinuraan sa mukha ang nakataling diyosa. Hubo’t hubad sa puno ng kawayan. Nakabuyangyang ang matatayog na susong kinakapitan ng kulay rosas na mga utong. Pilit na tinatakpan ang perlas sa gitna ng mga hita. Bulgar. Saksi ang langit kahit lumililim ang kagubatan. Kita ang buong kaluluwa. 

Matagal hinintay ni Flavio ang sandaling ito. Ang makapaghiganti. Ang maipatikim ang naipong poot sa isang nilalang na tumapos sa masasayang ala-ala ng nasira niyang asawa. Isa itong araw ng pagbubunyi. At gagawin niya itong masalimuot para kay Makiling.

“Alam mo, matagal kitang hinanap,” maluha-luhang sabi ni Flavio. Halata ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Subalit kita rin ang ngiti – ngiti na makikita lamang sa isang batang inagawan ng kendi, na tumigil lamang sa pag-ngawa nang binilhan ng sorbetes. “Matagal, Maria. Matagal.”

“Hindi ko sinasadya, maniwala ka,” pagtangis ni Maria. “Nadamay lamang ang iyong asawa sa galit ko sa inyong nayon.”

“Manahimik ka!”

“Walang magagawa ang pananahimik ko!”

Bumagsak ang likod ng palad sa pisngi ni Maria. Nagmistulang kidlat na umugong sa katahimikan ng kabundukan. “Hindi kita tinugis upang marinig ang lahat ng kasinungalingan mo. Ginawa ko ito upang iparanas sa’yo ang sakit na ipinaranas mo nang tinanggalan mo ako ng buhay!”

“Ipinaranas?” tugon ni Maria, daing ang sakit ng natamong sampal. “Sige paano, Flavio? Paano mo ipararanas sa akin ang mawalan, gayong matagal nang wala ang lahat sa akin?

“Minahal ko ang bayan ninyo, at ang buong Sto. Sepulcro. Binigyan ng prutas at trigo. Ginawang ginto ang bawat butil ng bigas. Pero ano? Anong ginawa n’yo? Pinagnakawan n’yo pa rin ako. Ginawan ng masama sa kabila ng lahat ng pagmamalasakit.”

Sinakal ni Flavio ang mga pisngi ni Makiling. “Ginto? Maria, ginto?

“Hindi namin kailangan, o kinailangan kailaman ng ginto mo, dahil matagal nang mayaman ang aming bayan. Sino ba ang nagsabing kailangan ka namin? Ng tulong mo?

“Wala kami sa krisis, Maria. Hindi kami naghihirap sa kabila ng simpleng pamumuhay. Ang tangi lamang unos na naranasan namin ay ang araw na binagsak mo sa aming lugar ang walang-awa mong galit!

“Inakit mo kami sa mga luho at bagay na hindi namin hiniling sa iyo!”

“Kasinungalingan!” sigaw ni Maria. “Binulabog ninyo ang nanahimik kong mundo sa kabundukan. Huwag ninyo sasabihin kailanman na ako ang ugat ng masamang gawain na isinukli ninyo sa aking kabutihan.”

Tahimik.

Napapikit si Flavio. Tumingin sa kalangitan. Naghahanap ng mga salitang naghahanap din ng kasagutan. “Kaya ba nagpaulan ka ng kidlat at kulog? Kaya ba ibinagsak mo sa bayan ang malalaking batong matagal nahimlay sa pinakamamahal mong bundok? Kaya ba ginunaw mo ang aming nayon sa pamamagitan ng matinding lindol, at pagkatapos naming umiyak ay huhugasan mo ang mga nagputik naming luha sa pamamagitan ng malakas na ulan?”

“Oo, Flavio! Oo!”

“Ulul ka, Maria!” malakas na tugon ng panday. “Hindi iyon ang dahilan. Ginagawa mo kong bata, puta! Sabihin mo sa mga mata ko ngayon na nadamay lamang ang aking asawa!”

Lumihis ng tingin ang diyosa. Iniiwasan ang mga susunod na katotohanang alam niyang hindi na maipagpapaliban ng kahit anong dahilan.

Umulit ang pagsakal sa mga pisngi. “Maria. Isa kang hangal. Alam ko. Hindi ang asawa ko ang nadamay kundi ang bayan ng Sto. Sepulcro. Sinadya mo ang lahat. Sinadya mong patayin ang asawa ko dahil sa . . .”

“Sa’yo Flavio. Oo, sa’yo!” pag-amin ni Maria. “Pina-ibig mo ’ko. At pinaniwalang ako ang tanging babae sa buhay mo. Hindi ko nakayanan ang iyong pagtatapat nang sinabi mong matagal ka nang may-asawa. Ginamit mo ’ko. At palalabasin mo ngayon na ikaw ang biktima?

“Minahal mo rin naman ako ‘di ba?” nababaliw na tinig ng diyosa.

Nangangatal ang bibig ni Flavio. Naghahalo ang galit, ang pagsisisi, ang katotohanan na isa siya sa mga dahilan ng lahat ng kanyang pagdurusa. “Hindi kita kailanman minahal, Maria. Nagiyang lamang ako . . . natukso. Sinong mortal ang hindi mahuhumaling sa kagandahan ng isang diyosa?”

“At sinong diyosa ang hindi mahahawa sa kapusukan at kahinaan ng mga mortal?” tanong ni Maria.

Nag-igting muli ang pagsisisi. Nananatili ang pagnanasang maghiganti. Sino ba ang tama? Sino ba ang mali? “Lahat ay pantay sa digmaan at pag-ibig,” bulong ni Maria, ngunit sapat na upang umalingawngaw at magdulot ng ulyaw sa kabundukan.

“Sa tingin mo ba ay isa lamang suwerte, o panaon ang pagkakadakip ko sa ’yo?” tanong ng panday pagkatapos ng pagninilay. “Hindi ka man lang ba nagtataka kung paanong sa isang tulad mong makapangyarihan ay wala man lang tumalab sa isang hamak na mortal na katulad ko?”

Isa itong rebelasyon. Hindi nga ito maunawaan ng diyosa hanggang ngayon. Hindi tumatalab ang lahat ng mahika sa panangga ng panday. Ano nga bang mayroon sa espadang taglay na sumasalag sa kamatayan? O hindi niya lang talaga sinasadyang tuluyan si Flavio?

“Hindi ito isang pagkakataon lamang, Maria,” pagpapatuloy ng panday. “Ito ang iyong kapalaran. Isinumpa ka ng langit, Maria. Noong araw na nagpaulan ka ng naglalakihang bato mula sa misterioso mong kabundukan ay doon ko nahanap ang isang makapangyarihang metal na buong-lakas na hinulma ng aking mga kamay upang maging isang espada. Espada na galing at kayang pumantay sa iyong kapangyarihan.”

Naliwanagan ang diyosa. Naalala ang mga batong sumira sa Sto. Sepulcro mula sa kanyang kapangyarihan.

Binunot ng panday ang punyal na ilang saglit pa ay humaba at naging mahiwagang espada, at pagmamalaking ipinakitang muli ang kapangyarihan nito sa bantay ng kabundukan.

Sumunod ay mabilis na hinablot ni Flavio ang makintab at mahabang buhok ng nagpupumiglas na diyosa, at gamit ang espada ay walang alinlangan niya itong pinutol at ikinalat sa lupa. Isa itong malaking pag-aalipusta sa isang tinagurian na diyosa.

Nagwagi ang panday. Natalo ang bantay. Ngunit nagsisimula pa lamang ang paghihiganti. Ang pambababoy sa mga nakakataas na nilalang. Ang pagbaliktad ng tatsulok.

Itinarak sa lupa ang espada. Inilabas ni Flavio ang isa pang sandatang nakatago sa kanyang salawal. Sandatang hindi man makasusugat sa katawan ni Makiling, ay siguradong tatagos naman sa damdamin at buong katauhan. Mabilis ang mga sumunod na eksena:

“Anong gina—” Hindi na nailabas ni Makiling ang mga susunod pa sanang salita, nang ipinasok ni Flavio ang matigas niyang ari sa bunganga nito.

Walang awa. Labas-pasok ang kabuuan ng titi ni Flavio sa bibig ni Maria. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto? Ang dahilan ng lahat? Hayaan mong ihandog ko ito sa ’yo, diyosang puta,” sabi niya sa sarkastikong punto.

Walang magawa si Makiling kundi isubo ang lahat ng laman na umaabot sa kanyang lalamunan at nagpapaduwal sa kanya. Wala siyang magawa kundi tikman lahat ang kahabaan, ang kaunting likido na unti-unti nang lumalabas — ang poot.

Sa wakas, at hinatak na ni Flavio ang nangangalit na titi, na ngayon ay nababad na sa laway. Nagtangkang magsalita ni Makiling ngunit agad siyang nakatikim ng sampal. Dinuraan ng panday ang mga suso ng bantay at biglaang sinipsip ang mga nakatayong tetilya. Napaungol ang diyosa, at unti-unti, naiibsan ang kanyang pagdurusa —  napapalitan ng libog na unti-unti na rin nagbibigay ng kakaibang ligaya at kaginhawaan. Hindi man maamin, matagal siyang nangulila sa mainit na pakiramdam na kay Flavio niya lamang naranasan . . . matagal nang panahon ang nakalilipas.

Patuloy ang pagsipsip at paglamas sa suso. Parang uhaw na aso sa gatas ng isang inahin. Nagsasalitan ang mga dila sa mga malarosas na utong. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Kanan, kaliwa, sipsip, dura. Hindi mawari sa mukha ng panday kung ito ba ay naliligayahan sa mga ginagawa. Wala kasing alinlangan na makikita. Walang agam-agam.

“Tumigil ka na Fla . . . uhh . . . vio,” pakiusap ni Maria, ngunit hindi ng kanyang damdamin.

Tumigil si Flavio. “Pati dito ba naman ay makaririnig pa rin ako ng kasinungalingan?”

Itinaas niya ang isang binti ng nakatali na diyosa, at itinutok ang nangangalit na ari sa lagusan ng puke nito. Ikiniskis muna niya ang titi sa nakalitaw na klitoris, at biglaang ipinasok ang kahabaan nito sa loob ng laman.

Napaungol si Maria. Napaluha sa laki ng kanyang tinanggap. Sa likod ng kanyang isipan ay sarap na matagal hinanap ng kanyang katawan – ng kanyang katauhan. Wala na ring alinlangan. Hindi na tinatanong ang sarili. Ang paghihiganting nagaganap ay unti-unti na niyang ninanais. Matagal niya itong pinanabikan. Nalimutan niya ang lahat ng nangyaring pananakit. Nalimutan niya ang lahat ng pang-iinsulto sa kanyang katauhan. Nalimutan niya ang lahat-lahat. Tanging ang sarap lamang ang namumukod-tangi ngayon sa damdamin. Isa siya ngayong diyosang pinutulan ng buhok at ginawang puta ng isang lalaking buong-puso niyang minahal noon . . . hanggang ngayon.

Nag-umpisa nang bumayo si Flavio. May nag-iisang kawayan na yumuyugyog sa gitna ng kabundukan. “Hindi ba’t ito ang iyong gusto?” paulit-ulit niyang tanong. Paulit-ulit din ang pananakal.

Sa bawat bayo ay katumbas ng isang ungol. Sa bawat pagsagad ay pag-iyak ng halinghing. Nararamdaman na ni Flavio ang namumuong init na nais kumawala sa kanyang mga itlog. Nakatingin siya sa mga mata ng diyosa – puno ng galit, init, at libog. Hinugot niya ang ari bago pa siya labasan. Kulang pa ang pambababoy na ito, naisip niya.

Hingal si Maria. Uhaw at bitin. Nananabik sa mga susunod na paghihiganti.

Binunot ng panday ang mahiwagang espada na nakaturok sa lupa, at mabilis na pinutol ang mga lubid na nakatali kay Makiling. Nakawala ang diyosa. Ramdam ang panghihina, pagod, at ngalay. Napaluhod.

Muling hinatak ni Flavio ang buhok na ngayo’y maikli na. Tinignan sandali ang mga mata, at biglang sinunggaban ng halik ang diyosa. Gigil na kinagat ang mga labi. Marahas na sinipsip ang dila.

Pagkatapos ay pinatuwad ang diyosang walang dudang nasisiyahang tunay sa pambababoy. Itinutok muli ang ari sa lagusan ng bulaklak at walang palyang ipinasok ang kahabaan nito. Muling binayo, paulit-ulit, at walang pahinga. Kagat-kagat ang labi sa bawat tinatanggap na ulos. Lumakas ang mga ungol at halinghing. Bumalik sa kanilang dalawa ang mga nagdaang ala-ala. Ang mga halikan. Ang mga siping sa ilalim ng buwan. Ang mga panunukso ng mga malalagkit na titig.

Binunot ni Flavio ang nangangalit na alaga. Itinulak sa malambot na lupa ang diyosa at iniharap sa kanya. Pinatungan at pinabukaka. Nagtagpong muli ang titi at naglalawang puke. Nagpatuloy ang pagbayo, na ngayo’y sinasabayan na ng paglamas sa mga suso, at matinding laplapan. Ari sa ari. Kamay sa tetilya. Dila sa dila.

Namuo ulit ang likidong umaakyat at bumabalot na sa kabuuan ng kanyang alaga. Alam niyang hindi na niya ito mapipigilan. Nawawala na siya sa sarili. Nakikita ang pagkabaliw sa sarap ng binababoy niyang diyosa. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“Mahal kita,” bulong ng diyosa sa tenga ng panday. Ramdam na ramdam niya ang bawat pagbayo, ang sarap at sakit na dulot ng pakikipaglaro sa apoy. Hindi na niya napigilan at inabot na niya ang rurok ng kalangitan. Napadiin ang kanyang mga kuko sa likod ni Flavio. Sunod-sunod ang orgasmo.

Naalala ni Flavio ang nasirang asawa. Sa pagkakataong ito ay ang asawa niya ang nakikita at hindi ang diyosa. Dulot ito ng matinding pangungulila. At sa isang iglap pumutok ang naipong tamod sa puki ni Makiling. Naramdaman ito ng diyosa sa loob ng kanyang laman, sinasakop ang bawat espasyo ng kanyang kabuuan, ng kanyang kaluluwa.

Naabot ang langit. Nangingisay sa sarap. Dahan-dahang nawala ang lakas. Napabagsak si Flavio sa katawan ni Makiling. Hingal at pagod. Tuyot at uhaw. Naghalo ang mga pawis at laway. Naglawa ang mga tamod. Amoy ang iba’t ibang likidong sumisingaw sa kanilang mga balat.

Binunot ng panday ang malambot na ngayong alaga. “Wala ka nang silbe, Maria,” bulong niya. Tumayo siya at binunot muli ang espada sa lupa. Itinutok sa leeg ng diyosa. “Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ka ng langit, ng iyong kabundukan, at ng mga ibon at mga kawayan.

“Pagkatapos ng araw na ito ay wala nang makakaalala sa iyo. Tatapusin ko ang iyong pag-iral, at pananatilihin ko na lamang na isang alamat ang iyong ala-ala para sa mga susunod na henerasyon.”

Buong-pusong pumikit si Maria. Wala nang takot. Tanggap na ang kanyang kapalaran at naghihintay na lamang na kunin ang kanyang buhay.

At umalingawngaw ang taginting ng espada sa kabundukan.

Dumilat si Maria at nakita ang isang punyal na nakatarak sa lupa. Tanaw niya si Flavio, naglalakad papalayo at rinig ang paghikbi, dahan-dahang naglalaho sa kadiliman dahil sa paglubog ng araw.

***

Lumipas ang mga panahon at muling nakabangon ang Sto. Sepulcro. Ngunit hindi katulad ng dati, walang kilalang diyosa sa kabundukan ang mga tao. Malaya ang mga mangangasong gumala anumang oras sa mga kagubatan. Isa na lamang alamat si Makiling. Isang istorya lamang. Kilala ngunit hindi pinaniniwalaan. Hindi nabuhay kailanman. Hindi naghasik ng poot. Hindi totoo.

Minsan ay may misteryosang babae na nagpapakita sa mga nagagawi sa kabundukan, may kasamang batang lalaki, at mailap ang mga ito sa tao.

“Malabong si Makiling ’yon,” sabi ng isang matandang mangangaso. “Walang anak si Makiling.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s