Ang sarap maging bata, walang responsibilidad; laging may nakaalalay, laging may nakalingon. Hindi pa importante sa atin nuon ang anumang relihiyon. Matutulog nang pagod hindi dahil sa stress, kundi dahil sa paglalaro natin buong maghapon. Laro lang sa’tin nuon ang langit, lupa at impyerno. Sinasayang lang natin dati ang papel, gunting, bato. May instant family tayo sa bahay-bahayang laro, at laging may aguinaldo t’wing sasapit ang PASKO. Kabataan ay ‘yung mga oras na tinanong natin ang buwan, “Baket mo ba ko sinusundan?” ‘Yun ‘yung oras na naging prinsepe’t prinsesa tayo sa sarili nating mundo. ‘Yun ‘yung parte sa buhay natin na minsa’y nakalipad tayo at naging superhero. Kabataan ay ‘yung kaisa-isang parte sa buhay natin na kahit pinanganak kang mahirap eh siguradong babalik-balikan mo.
Ang sarap maging bata kasi buong-buo ka pa. Wala ka pang lamat at ‘di ka pa nakalalamat ng iba. Kabataan ay kayamanang nauubos pero hindi nawawala sa isipan. Kayamanang aalalahanin sa ating katandaan. Huwag ipagkait sa ibang tao. Kabataan ang dahilan kung sino ka ngayon.
Kabataan ang ugat ng iyong PAGKATAO . . .
edi ikw na. 😊😊 ilovthisonebruh. 😄😄
LikeLiked by 1 person