Luha ng Perlas

Posted: September 9, 2013 in Makata-kuno
Tags: , , ,

This is a tribute for Buwan ng Wika. August. Super late na. 😀

Ako si Juan na tubo sa Perlas ng Silangan,
Laking anak ng hirap, luha at kayamanan,
Kahit pa ang bayan ko’y puno ng perlas at ginto,
Bakit naiinggit pa rin sa kislap ng mga kano?

Naisipang pumunta sa tabing-dagat pagsapit ng dilim,
Inaninag ang mga pangarap na sa utak lamang nakatanim,
Binulong sa aking sarili, “Ako ba ay may mararating?”,
Kung di aalis dito ay paano na ako magniningning?

Huling lagok ng kape ay ininom sa tasa,
Inihanda ang lahat upang lumuwas ng umaga,
Madilim pa’y sumakay ng bangka patungo sa kabilang isla,
Walang lingon o sulyap, nilisan ang Perlas ng nag-iisa.

Lumipas ang taon at nagbunga nga ang mga pangarap,
Buong katawan ko’y kumikislap na alapaap,
Sumakay ng barko pabalik sa bayang iniwanan,
Labis ang pananabik sa bayan kong sinilangan.

Sa wakas at nakatapak muli sa iniwang Perlas,
Ngunit mukhang mali ‘ata ang tinatahak kong landas,
Naligaw ako’t naghanap ng mapagtatanungan,
Buti’t may nakayukong ale sa’king daraanan,

Damit ng matandang ale ay gula-gulanit,
Makikita ang kahirapan sa kanyang pananamit,
Kahit nandidiri, sa kanya’y lumapit,
Nagwika ng tanong na banyaga ang gamit.

Excuse me, can I ask you a question old woman?
Can you please tell me where is my hometown, Perlas ng Silangan?
I don’t care, It doesn’t matter even it’s far to roam,
I will pay you anything just tell me the way back home.

Laking gulat ko, siya’y kumaripas ng takbo,
“Sandali lang Ale!”, pagmamakaawa ko,
Saan man siya magpunta, siya’y aking sinundan,
Sa labi’y nagkaro’n ng ngiti ng maaninag ang tahanan.

Ngunit bakit ‘ata ang Perlas ay biglang nagbago,
Nagmistulang bayan ng pighati at ng abo,
“Oh my Gosh! What’s happening here?” ang tanging sambit,
Napaluhod sa lupa at sa ale’y napakapit.

Nalason na ang lupa at matatayog na puno,
Nawala na rin ang perlas at maraming ginto,
Tanaw sa baybay-dagat ang tiningalang mga dayuhan,
Tangay ang kayamanan na sa Perlas lamang matatagpuan.

Nagagalit sa sarili, at naghangad pa ng mataas,
Lahat pala ng hanap ko ay nandito na sa Perlas,
Tinalikuran ko ang aking bayan at aking kayamanan,
Pinagpalit sa bango ng amoy ng mga dayuhan.

Inakay ko ang matandang ale sa aking harapan,
Tumingala ako sa kanya at siya’y aking namukaan,
Siya si Inang Bayan na kinutya ko’t hinusgahan.
Umiiyak at lumuluha ngayon sa aking kandungan.

Ako’y biglang napayakap ng mahigpit sa kanya,
Humingi ako ng tawad na mayroong pagsinta,
Nawalan siya ng malay kasabay ng pagpikit ng mga mata,
Huli na ang lahat, wala na ang Mahal kong Ina.

😀

Advertisements
Comments
  1. gooocrazy says:

    Yabang ganda ng worpdress!!!! anyare sayo?

    Like

  2. JuanMateo says:

    bat wroter? hahaha. 😀

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s